Let us help one another, panawagan ng CBCP sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,407 total reads

Nanawagan ang humanitarian at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa sambayanang Pilipino na magkaisa sa pananampalataya, pagkakawanggawa, at pagkilos, habang hinaharap ang mga pagsubok dulot ng pananalasa ng bagyong Tino at ng isa pang sama ng panahong papalapit sa bansa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines, ang kahandaan at malasakit ng bawat isa ang tunay na sukatan ng pagkatao bilang isang sambayanan.

“Let us help one another—volunteer, share what we can, and pray for those affected,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Hinimok ng Caritas Philippines ang mga parokya, diocesan social action centers, civil society organizations, at mga volunteer na magtulungan sa pagbabahagi ng agarang tulong at serbisyong pangkomunidad sa mga nasalanta.

Tiniyak din ng humanitarian arm ng simbahan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na simbahan at organisasyon upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at kapanatagan.

Kasabay nito, umapela si Bishop Bagaforo sa mga civil society at people’s organizations na magkaisa sa paghahatid ng relief operations bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan at solidarity

“When we stand together—when we pray, give, and serve together—we become instruments of God’s mercy. Gold is tested by fire, and our faith is refined through trials. May this be a time of renewed commitment to love and service,” saad ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din ang Caritas Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kaligtasan at katatagan ng mga apektado ng kalamidad, at maghatid ng suporta sa pamamagitan ng donasyon, volunteer work, o mga gawaing pangkomunidad.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 6,100 total reads

 6,100 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 11,631 total reads

 11,631 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 127,409 total reads

 127,409 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 247,989 total reads

 247,989 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 297,687 total reads

 297,687 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 235,168 total reads

 235,168 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top