Cardinal David, nanawagan kay PBBM na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,024 total reads

Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission bilang hakbang tungo sa katotohanan, katarungan, at paghilom ng bansa mula sa karahasang idinulot ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Sa liham, sinabi ni Cardinal David na patuloy pa ring nagdadalamhati ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa extrajudicial killings sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“These families did not only lose their loved ones-they lost their sense of security, their trust in public institutions, and, in many cases, their means of livelihood.” bahagi ng liham ni Cardinal David.

Binanggit ng kardinal ang mga testigong naglakas-loob na humarap sa Kongreso upang isalaysay ang sistematikong pagpatay at maling paggamit ng pondo ng bayan upang pondohan ito.

Gayunman, iginiit ni Cardinal David na nanatiling walang malinaw na resolusyon ang mga pagdinig dahil ito ay isinagawa lamang “in aid of legislation,” at hindi para sa pag-uusig ng mga sangkot.

Sa kabila nito, libu-libong kaso pa rin ang nananatiling nakatala bilang Deaths Under Investigation o DUI, na nagsisilbing panakip-butas sa mga mamamatay-taong binabayaran upang pumatay.

“The families of the victims, many of whom have lived in fear for years, have every right to demand that these cases be revisited and that answers be given. They deserve closure. Our institutions deserve restoration. Our nation needs healing,” giit ni Cardinal David.

Kaugnay nito, hiniling ni Cardinal David kay Pangulong Marcos ang pagbuo ng Truth and Reconciliation Commission na magsisilbing daan tungo sa katotohanan, pananagutan, at paghilom ng sambayanan.

Aniya, hindi ito paghihiganti, kundi pagtataguyod ng katotohanan at pagbabalik ng tiwala, dignidad, at katarungan ng bawat Pilipino.

“Truth-telling is not an act of reopening wounds— it is the only path by which wounds can finally heal. Silence breeds resentment and fear; truth restores dignity, trust, and moral coherence to our democracy,” saad ni Cardinal David.

Naniniwala ang kardinal na ang hakbang na ito ay magiging makasaysayang pagkakataon para ipakita ng pamahalaan na pinipili ng bansa ang katapangan, pananagutan, at pagkakasundo, sa halip na takot, kawalang-malasakit, at pananahimik.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,053 total reads

 47,053 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,833 total reads

 126,833 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,280 total reads

 160,280 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,578 total reads

 195,578 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,305 total reads

 420,305 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,805 total reads

 156,805 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top