Cardinal Rosales, nagpaabot ng pasasalamat at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,210 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat at panalangin si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa lahat ng mga mananampalataya na patuloy na nakaaalala sa kanya sa kabila ng matagal ng pagkaretiro.

Sa naging pagbisita ng mga kinatawan ng Radio Veritas, TV Maria at Archdiocese of Manila Office of Communication na pinangunahan ni Rev. Fr. Roy Bellen na pangulo ng Radio Veritas pangbilang pagdiriwang sa ika-94 na kaarawan ng Cardinal ay kanyang ipinaabot ang taus-pusong pasasalamat sa mga patuloy na nakaaalala at nanalangin para sa kanya.

Sinabi ng dating Arsobispo ng Maynila na ang pagdalaw sa mga nangangailangan at mahihina ay nagbibigay ng lakas ng loob.

“Nasabi ko nga, ang pagdalaw sa nangangailangan at mahina ay pampalakas ng loob. Kaya ganiyan po ang nararamdaman ko ngayon,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Rosales sa Radyo Veritas.

Nagpasalamat din ang dating Arsobispo ng Maynila sa patuloy na pag-alala at pagmamalasakit ng mga kapanalig na mananampalaya, at hinikayat ang lahat na manatiling malapit sa Diyos at sa isa’t isa.

“Marami kayong aking dapat pasalamatan. Marami kayong dapat kong palaging ipanalangin sa aking mga pagdarasal,” Dagdag pa ni Cardinal Rosales.

Hiling din ng Cardinal na patuloy na pagpalain at palakasin ng Panginoon ang mga kawani at tagapakinig ng Radio Veritas, gayundin ang kanilang mga pamilya.

“Lahat ng kailangan niyo, hilingin niyo sa Diyos, ipagkaloob sa inyo. At pagpalain kayo at ang inyong mga pangangailangan, sampu ng inyong pamilya,” Ani Cardinal Rosales.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinaabot ni Cardinal Rosales ang kanyang pagmamahal at panalangin sa lahat ng mga kapanalig na mananampalataya.

“God love and protect you. May the good Lord protect and love you wherever you are, whatever you do, wherever you go,” Ayon kay Cardinal Rosales.

Ang mensahe ng 94-anyos na Cardinal ay paalala rin sa kahalagahan ng pagdalaw, pagmamalasakit at panalangin bilang konkretong pagpapakita ng pagmamahal sa mga kapatid, lalo na sa mga nangangailangan ng lakas at pag-asa.
Si Cardinal Rosales ang ika-31 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila na nagsilbing punong pastol ng arkidiyosesis mula 2003 hanggang 2011.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 20,283 total reads

 20,283 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,543 total reads

 43,543 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 80,044 total reads

 80,044 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,668 total reads

 300,668 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 334,168 total reads

 334,168 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top