Pagtaas ng youth unemployment rate, pinangangambahan ng ILO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,424 total reads

Pinapangambahan ng International Labor Organization o ILO ang pagtaas ng youth unemployment rate sa buong mundo.

Ayon sa ILO, ito ay dahil sa pagbagal ng pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya sa mga nakalipas na buwan at taon. Batay sa Global Employment Trends for Youth 2026 ng ILO, umakyat sa 12.4 percent noong 2025 ang global youth unemployment rate na katumbas ng 67-million na bilang ng kabataang edad 15 hanggang 24 na walang trabaho.

Bahagya ring tumaas sa 20% ang mga kabataan na binansagan sa moder terms na ‘ Not in Education, Employment, or Training’ o mga NEET, katumbas ang bilang ng hanggang sa 257-million na kabataan sa buong mundo.

“A generation that cannot find decent work cannot build its future with confidence. When young people are locked out of quality employment, countries lose talent, productivity and social cohesion. Creating decent jobs for young people is not just a social imperative, it is one of the smartest investments a country can make,” ayon sa mensahe ni ILO Director-general Gilbert Houngbo na pinadala ng ILO Philippines sa Radyo Veritas.

Ayon sa ILO, kabilang sa mga dahilan ang mabagal na paglikha ng trabaho, geopolitical tensions at mabilis na pagbabago sa teknolohiya, kabilang ang artificial intelligence kaya apektado rin ang mga traditional entry-level jobs gaya ng clerical, administrative, sales at ilang manufacturing occupations.

Samantala, sa mga bansang maituturing na ‘developing economies’, nananatiling hamon ang paglikha ng sapat na disenteng trabaho dahil ayon pa sa mga datos ng ILO, siyam sa bawat sampung kabataang manggagawa sa low at lower-middle-income countries ay nasa informal employment, kaya limitado ang access sa stable income at social protection.

Nanawagan ang ILO ng mas malaking pamumuhunan sa kalidad na edukasyon, pagtuturo ng mga impormasyon na magagamit habambuhay, apprenticeships, social protection at skills development, upang matulungan ang kabataan na makasabay sa mabilis nagbabagong labor market at magkaroon ng mas maayos at disenteng trabaho.

“There is increasing noise around AI,” said Sukti Dasgupta, ILO Director of the Employment, Skills and Sustainable Enterprises Department. “While the direct impact on jobs is still unclear, we must not be complacent and underestimate the risks. We need to step up our investment in skills, lifelong learning and social protection so that young people can adapt to change and seize new opportunities. Technological progress, including AI, must work for young people, not against them” bahagi pa ng mensahe ni Houngbo

Kaugnay nito, nakasaad sa Ensiklikal na Laborem Excercens ni Saint John Paul II ang kahalagahan ng pagbubukas ng oportunidad ng disenteng trabaho dahil ang trabaho ay hindi lamang paraan para kumita, kundi may kaugnayan sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 18,686 total reads

 18,686 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,081 total reads

 42,081 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 78,582 total reads

 78,582 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,206 total reads

 299,206 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,802 total reads

 332,802 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top