Parokya at komunidad, inatasan ng CBCP na ipagdiwang ang creation day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,732 total reads

Inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga parokya at komunidad na ipagdiwang ang Creation Day tuwing unang linggo ng Setyembre.

Sa pastoral letter nina Nueva Segovia, Archbishop David William Antonio, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy, at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bishop in charge ng Integral Ecology ng ECSA-JP, iginiit nito na ang pagkasira ng kalikasan at lumalalang climate crisis ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi usapin din ng buhay at kamatayan lalo na para sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan.

Lubhang nababahala ang mga obispo sa patuloy na pagkasira ng kalikasan at pandaigdigang krisis sa klima na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino tulad ng mga epekto ng malalakas na bagyo na nagdudulot ng malawakang pagbaha.

“We are greatly alarmed about both the destruction of our local ecosystems and the global climate emergency that keeps ravaging our islands through ever-intensifying typhoons. How is it possible that the appeals of Laudato Si’ and Laudate Deum continue to be ignored? The liturgical celebration of Creation Day is a precious opportunity and space for repentance, lamentation, thanksgiving, and renewed “ecological conversion”, to be carried forth also throughout the extended Season of Creation,” anila.

Batay sa atas ng CBCP, hinimok ang lahat ng parokya at ecclesial communities sa bansa na ipagdiwang ang Creation Day alinsunod sa mga nakasaad sa General Instruction of the Roman Missal.

Ngayong 2026, ito ay gaganapin sa September 6, kung saan gagamitin ang bagong Missa pro custodia creationis, o Misa para sa pangangalaga ng sangnilikha, sa halip na ang karaniwang Sunday Mass formulary at mga pagbasa sa Ordinary Time.

Paliwanag ng mga obispo na hindi lamang usaping pangkalikasan ang Creation Day, kundi mahalagang pagpapahayag ng pananampalatayang Kristiyano, gaya ng pahayag ni San Pablo.

“In Christ were created all things in heaven and on earth… all things were created through him and for him.”

Itinuturing din ang pagdiriwang na ‘Feast of Creation in Christ’ na naglalayong muling ipakita ang mahalagang papel ni Kristo sa paglikha at sa buong sangnilikha.

Iginiit ng CBCP na ang pagdiriwang ay makatutulong upang muling matuklasan ng mga Kristiyano ang “centrality of Creation in our Christian faith and everyday life.”

Hinikayat din ng mga obispo ang mga parokya na isabuhay ang diwa ng Laudato Si’ hindi lamang sa isang araw kundi sa buong Season of Creation.
Umaasa ang mga pastol na maging mabunga ang pagdiriwang sa bawat parokya sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpupuri sa Diyos bilang Manlilikha at pagsasabuhay ng mapanuring pananaw sa Laudato Si’.

Taunang ipinagdiriwang ng simbahan ang Season of Creation mula September 1 hanggang October 4 sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi subalit pinalawig ito ng bansa sa ikalawang linggo ng Oktubre sa paggunita naman ng Indigenous Peoples’ Sunday (IP Sunday

COMELEC, Tatalima sa Batas

 40,050 total reads

 40,050 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 34,798 total reads

 34,798 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,764 total reads

 69,764 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,584 total reads

 171,584 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 212,143 total reads

 212,143 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 231,305 total reads

 231,305 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top