Cardinal Tagle, hinimok ang mga kabataan na tularan si Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na tularan ang pagiging masunurin ng dalagitang si Maria.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle sa banal na misa noong kapistahan ng Our Lady of Guadalupe na ang dalagang si Maria ay halos labinlimang taong gulang pa lamang nang magpakita ang anghel na si Gabriel at binigyan ng utos mula sa Panginoon.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa kabila ng kabataan ni Maria at pagkalito noong panahong iyon ay tinanggap pa rin niya ang utos ng Diyos na maging ina ni Hesus.

Ayon kay Cardinal Tagle, dito makikita na sa kabila ng mga pansariling pangarap at plano ng mga kabataan ay kinakailangang laging manguna at mangibabaw pa din ang plano ng Panginoon.

Kay Maria makikita natin ang halimbawa hindi lamang para sa kabataan kun’di para sa ating lahat, isang tao na laging handang makinig sa Diyos upang hindi ang kalooban ko lamang kun’di ang kalooban ng Diyos ang s’yang matupad at ang kalooban ng Diyos ang gagawin kong pangarap ko. Ang hirap n’yan, ano po? Mangangarap ako pero sa bandang huli ang pangarap ng Diyos ang gagawin kong pangarap hindi na yung akin lamang,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, hinimok naman ng Kardinal ang mga nakatatanda na suportahan at gabayan ang mga bata sa kanilang mga pangarap.

Binigyang diin nito na hindi dapat hadlangan ng mga nakatatanda ang pangangarap ng mga kabataan at bagkus ay lalo pang palakasin ang kanilang loob, sa pag-abot sa kanilang mga ambisyon nang may gabay mula sa Diyos.

“Huwag nating papatayin ang energy, ang zeal ng kabataan na harapin ang kanilang buhay at ang kinabukasan. Kaya mga kabataan, continue dreaming! Ang kabataan na hindi nangangarap, naku po… Tayong mga hindi na bata, kapag naman ang kabataan ay nangangarap, huwag naman ninyong, “Tumahimik ka d’yan!” “Walang mangyayari d’yan!” “Inisip ko rin yan! Wag mo nang pag-aksayahan yan!” Hindi.” Dagdag pa ng Kardinal.

Sa isang pag-aaral ng Dream Project PH lumabas na 70 porsyento o katumbas sa 7 sa bawat 10 kabataang Filipino ang walang pangarap sa buhay.

Ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Year of the Youth, tinatawagan ang bawat isa na maging misyonero ng Panginoon sa pamamagitan ng paghahatid ng mabuting balita at paghikayat sa kanilang kapwa upang patuloy na mangarap ng kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,648 total reads

 14,648 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 49,348 total reads

 49,348 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,830 total reads

 85,830 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,042 total reads

 104,042 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,611 total reads

 187,611 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,510 total reads

 378,510 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top