Malacanang, tiniyak na hindi pinaalis ang mga Obispo at Pari sa turnover ng Balangiga bells

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Tiniyak ng Malacañang na hindi ipag-uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin ang mga kinatawan ng simbahan sa ginanap na turn over ceremony ng Balangiga Bells sa Eastern Samar.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson, bagama’t wala pang resulta ang ginawang imbestigasyon hinggil sa akusasyon ay maliwanag ang ‘video footages’ na lumapit pa ang pangulo sa mga opisyal ng simbahan.

“Wala pang report. Yung ganung pangyayari hindi iuutos at hindi kailanman inutos ng Panginoon. Dahil labag sa etika yan,” ayon kay Secretary Panelo sa panayam ng Radio Veritas.

Unang kumalat sa social media ang sinasabing pagtataboy sa mga pari at Obispo ng Diocese of Borongan maging si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ng Presidential Management Staff.

“Nakita naman natin ‘yung sa video na mga pari naman nilapitan at kinamayan siya. Inacknowledge pa ang presensya nila sa event,” ayon pa kay Panelo.

Iginiit ni Panelo na hindi ito inutos ng Pangulo dahil labag ito sa etika bukod pa rito ang pagkilala ng Pangulo sa mga opisyal ng simbahan sa kaniyang talumpati.

Ika-15 ng Disyembre ng pormal nang i-turn over ng Gobyerno at kinatawan ng Estados Unidos ang Balangiga Bells sa mga kinatawan ng simbahan.

Isang misa ng pasasalamat din ang ginanap sa St. Lawrence Parish sa pangunguan ni dating Borongan Bishop Leonardo Medroso kasama ang ilang pang mga Obispo na dumalo sa pagdiriwang.

Ang makasaysayang kampana ay dinala ng mga sundalong Amerikano noong 1901 bilang tropeyo sa pagwawagi sa digmaan laban sa mga nag-aklas na mga Filipino.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakasauli sa bansa ng makasaysayang Balangiga Bells na isang pagpapatunay ng paghihilom at pagkakasundo sa pagitan ng dalawang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,688 total reads

 56,688 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,956 total reads

 135,956 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,401 total reads

 169,401 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,699 total reads

 204,699 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,929 total reads

 428,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,707 total reads

 16,707 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top