Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle naglabas ng pastoral guidance kontra Zika Virus

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat parokya, institusyon, paaralan at komunidad na makiiisa sa kampanya ng Department of Health para labanan ang pagkalat ng Zika virus.

Sa liham, hiniling ni Cardinal Tagle sa mga parish priest at bawat institusyon na nasasakupan ng Archdiocese of Manila na ipalaganap ang ‘4s’ at ito ay ang mga sumusunod:

1. Search and destroy mosquito-breeding places.
2. use Self protection measures.
3. Seek early consultation for fever lasting more than two days.
4. Say yes to fogging when there is an impending outbreak.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) ang Zika virus ang pangunahing kumakalat sa tao dulot ng pagkagat ng lamok na may virus o ang Aedes aegypt.

Kaakibat din ng Pastoral Guidance on the Preventive Response to Zika Virus na inilabas ni Cardinal Tagle ang panawagan na mag-ingat at panatilihing malinis ang kapaligiran.

Umaapela ang kanyang Kabunyian sa publiko na isaalang-alang at umiwas na makagat ng lamok lalu na sa hapon at gabi gayundin ang pagsusuot ng hindi makukulay na damit.

Hinihikayat din ang bawat isa na magsuot ng mahahabang kasuotan upang matakpan ang ang bahagi ng paa at braso na karaniwang lantad sa mga kagat ng insekto.

Gumamit ng window at door screen, ng kulambo at ang insect repellant.

Dapat din panatiliing may takip ang mga lalagyanan ng tubig at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang hindi magamit bilang breeding ground ng mga lamok.

Kinakailangan din na maging maalam ang bawat isa sa mga sintomas ng Zika, kabilang dito ang pagkakaroon ng lagnat, rashes, pananakit ng ulo at katawan na kinakailangan na ng pagpapakosulta sa manggamot.

Hiniling din ni Cardinal Tagle na magdasal para sa kaligtasan ng lahat kaakibat na rin ang pag-iingat sa loob at labas ng tahanan upang makaiwas sa panganib na dulot nito.

Sa tala ng DoH, may 12 kaso na ng Zika ang naitala sa bansa kabilang na dito ang isang nagdadalang tao sa Cebu City.

February 2016 nang ideklara ng WHO ang zika outbreak dahil sa mabilis na pagkalat nito sa mga bansa sa America, Pacific Southeast Asia  na nagsimula sa Brazil taong 2015.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,432 total views

 88,432 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,207 total views

 96,207 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,387 total views

 104,387 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,884 total views

 119,884 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,827 total views

 123,827 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,682 total views

 14,682 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
CBCP
Veritas Team

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 29,434 total views

 29,434 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 58,712 total views

 58,712 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

 74,367 total views

 74,367 total views “Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

 156,480 total views

 156,480 total views “Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2) Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top