Teknikal at Bokasyonal na Kasanayan: Oportunidad sa Pag-angat ng Buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,233 total reads

Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong kumukuha ng mga teknikal at bokasyonal na kurso. Para kasi sa marami, may dalang pag-asa ang mga technical courses. Nagbubukas ito ng maraming oportunidad para sa mga mamamayang hindi kayang matustusan ang pag-aaral ng kolehiyo.

Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies nitong Marso 2016, ang pangunahing kliyente ng mga technical at vocational education and training ay mga high school graduates (50%) ngunit marami rin ang college undergraduates (19%) at college graduates (13%). Meron ding mga high school undergraduates (7%).

Ayon naman sa Impact Evaluation Study of TVET Programs ng TESDA noong 2013, 45% ng mga kumukuha ng bokasyonal na kurso ay nag-enroll para makakuha ng trabaho, habang 38% naman ay nagnanais na makakakuha ng bagong kasanayan o skills. May 7% na nagsabi na nais nila ma-upgrade ang kanilang kasanayan.

Sa simpleng datos na ito, kapanalig, makikita natin ang pagnanais ng mga kabataang Pilipino na makapagpatuloy mag-aaral, kahit na bokasyonal na kurso lamang, upang mabilis silang makahanap ng trabaho. Maraming mga out-of-school youth, kung bibigyan lamang ng access at pagkakataon na makakuha ng teknikal na kurso, ay magkakaroon ng sigla at bagong direksyon sa buhay.

Kaya’t isang mainam na stratehiya ang pagpapalawig ng mga technical at vocational courses sa barangay level. Inuumpisahan na ito ng TESDA, ngunit kailangan pa itong patatagin. Ang mga local government units (LGUs) ay dapat manguna sa pagpapalawig ng mga kurso na ito.  Ang pagkaroon ng lahat ng mga barangay ng mga regular at libreng  technical courses para sa kanilang mamamayan ay magdudulot ng sanga-sangang ganansya para sa  pamilya at pamayanan. Isa rin itong positibong stratehiya laban sa droga.

Ang pagbibigay oportunidad sa mamamayan ay pagkilala sa kanilang dignidad. Ito ay nagbibigay halaga sa kanyang pagkatao at sa kanyang ambag bilang bahagi ng lipunan. Ang Octogesima Adveniens, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ay nagpapa-alala sa atin na ang layon ng lahat ng institusyong panlipunan ay ang tao. Lahat ng mamamayan ay dapat mabigyan ng trabaho at ng pagkakataon na mapa-unlad ang kanilang mga kasanayan at pagkatao. Ang pagpapalawig, kapanalig, ng mga teknikal na kurso sa mga barangay, lalo na sa mga pinakamaralita, ay pagsasabuhay ng tagubilin hindi lamang ng Catholic Social Teachings, ngunit ni Kristo mismo. Ito ay ‘love in action’ dahil binibigyan natin ng pagkakataon ang lahat na maabot ang kaganapan ng kanilang pagkatao.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 25,014 total reads

 25,014 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 123,470 total reads

 123,470 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 167,739 total reads

 167,739 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 190,848 total reads

 190,848 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 264,704 total reads

 264,704 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 25,017 total reads

 25,017 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 123,473 total reads

 123,473 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 167,742 total reads

 167,742 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 190,851 total reads

 190,851 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top