Cardinal Tagle, pangungunahan ang pagpapahayag ng Our Lady of Aranzazu Parish na National Shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,142 total views

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu ang mananampalataya sa maringal at makasaysayang pagpapahayag ng simbahan bilang national shrine.

Isasagawa ito sa August 22 kasabay ng pagdiriwang sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria kung saan pangungunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang banal na misa sa alas 10 ng umaga.

Ayon sa dambana, nawa’y sa mahalagang pagdiriwang ng Diocese of Antipolo sa kaunahang national shrine ay higit na mapalawak ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria alinsunod na rin sa temang ‘Dambana ng Pag-asa: Daan ng Peregrino kasama ang Birhen ng Aranzazu’.

“Sa pagkakaloob ng pambansang pagkilala sa Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang Patroness of Northern Rizal, nawa’y higit pang mapalalim ang debosyon sa Mahal na Ina at mapagtibay ang diwa ng pag-asa, pagmamahal, at pagbabalik-loob sa Diyos,” bahagi ng pahayag ng dambana.

Inihayag pa ng dambana na ito rin ay bahagi ng malawakang pagdiriwang ng Jubilee Year 2025 ng simbahang katolika na nakatuon sa temang Pilgrims of Hope.

Matatandaang sa 129th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero isa ang simbahan ng Nuestra Senora de Aranzazu sa tatlong simbahan sa Pilipinas na idineklarang national shrine.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang simbahan noong 1596 sa pamamagitan ng mga Agustinong misyonero ngunit August 29, 1659 nang maitayo ang parokya na itinalaga kay San Mateo na ebanghelista subalit 1705 nang pasimulan ni Fr. Juan Echazabal na isang Heswita ang debosyon ng Birhen ng Aranzazu.

July 17, 2004 ang parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu nang maideklarang shrine ang natatanging simbahan sa Pilipinas na nakatalaga sa Birhen ng Aranzazu at sister-parish Basilica of Aranzazu sa Spain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 147,891 total views

 147,891 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 170,001 total views

 170,001 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 243,103 total views

 243,103 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 235,270 total views

 235,270 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top