Image by Archdiocese of Manila - Office of Communications

Cardinal Tagle, pinangunahan ang panalangin para sa kapayapaan sa Middle East

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Hinikayat ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamamayan at mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na mag-alay ng panalangin para sa kapayapaan.

Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Cardinal Tagle, nawa ay maging ligtas ang bawat isa lalu na sa Gitnang Silangan at humupa ang napipintong digmaan.

“Ipanalangin po natin na maging ligtas ang ating mga kapwa sa Middle East, humupa ang mga pagnanais na sirain ang kapwa humupa ang mga hangarin na maghiganti. At ipinalanagin natin ang ating kapwa Filipino ang kanilang mga pamilya dito na nangangamba,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Ito ang panawagan ni Cardinal Tagle sa kanyang homiliya sa ginanap na misa para sa kapistahan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Quirino grandstand.

Hiling din ni Cardinal Tagle ang panalangin para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa Gitnang Silangan at kanilang mga pamilya sa Pilipinas na nangangamba sa maaring maging epekto ng kaguluhan.

Tinatayang may pitong libong OFW sa Iran at Iraq kabilang na dito ang may dalawang libong Filipino na nagtatrabaho sa US facilities sa Iraq.

Dulot na rin ng nakaambang kaguluhan, naghahanda na rin ang pamahalaan ng Pilipinas sa repatriation ng mga OFW na nasa gitnang silangan sa oras na kailanganin ang paglikas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,631 total reads

 29,631 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,515 total reads

 66,515 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,726 total reads

 84,726 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,054 total reads

 169,054 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,076 total reads

 205,076 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top