Isama sa sakripisyo ang krisis na kinakaharap ng mundo, hamon sa deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Hiniling ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mananampalataya at deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na alalahanin sa kanilang mga sakripisyo at mga hamong kinakaharap ng mundo.

Tinukoy ng Obispo ang mga pangyayari sa ibang bansa na nakapupukaw ng damdamin at nagdulot ng pag-aalala sa buong mundo tulad ng bushfire na kasalukuyang nagaganap sa Australia.

“Sa mga mahal naming Filipino lalo na ang mga devotees ng Poong Nazareno, sana maisali ninyo sa inyong mga sakripisyo bukod sa mga personal na kahilingan ang mga pangyayari sa ating mundo,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Dalangin ni Bishop Alminaza ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Australia upang mapahinto ang apoy na tumutupok sa halos 18 million acres na kalupaan na kinabibilangan ng kagubatan, bushland, mga parke at maging mga tahanan.

Hiling din ni Bishop Alminaza na magkaisa ang mamamayan sa pananalangin sa Diyos na mapigilan ang karahasan sa mga bansa sa Gitnang Silangan bunsod ng bangayan ng Amerika at Iran.

Nitong Miyerkules nagpakawala ng labindalawang missile ang Iran at pinasabog ang Al-Asad Airbase sa Iraq na pinaghimpilan ng mga sundalong Amerikano.

“Sana magkaroon din ng kapayapaan at hindi mangyayari ang kinatatakutang digmaan sa Middle East o sa kahit saang bansa,” ani ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Alminaza na makapangyarihan ang sama-samang panalangin upang makamtan ang kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan lalo na’t mag-alay ng sakripisyo ang mahigit sampung milyong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa taunang Traslacion.

Inihalimbawa ng Obispo ang iba’t-ibang kaganapan sa sanlibutan partikular ang pag-usbong ng makabagong mundo na higit na pinaiiral ng tao ang materyal na mga bagay.

“Marami tayong gustong i-embrace, ito yung sinisimbolo ng krus na pinapasan ng Poong Nazareno at naging dahilan ng kanyang pagkadapa,” diin ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 107,358 total views

 107,358 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 231,769 total views

 231,769 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 272,002 total views

 272,002 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 346,095 total views

 346,095 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top