Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle sa mga Filipino, ibahagi ang “gift of faith” sa mundo

SHARE THE TRUTH

 595 total views

Hinimok ng isang opisyal ng Vatican ang mga Filipino na ibahagi ang kaloob na pananampalatayang tinanggap sa buong mundo.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples sa pagdiriwang ng ikalimang siglo ng kristiyanismo ng Pilipinas na ginanap sa Vatican.

Ayon kay Cardinal Tagle, bagamat may mga pagkukulang bilang tagasunod ni Kristo ay kinikilala naman ng bawat isa ang kahalagahan ng kristiyanismo sa paghubog ng kultura at pagkatao ng mga Filipino.

“The gift must continue being a gift. It must be shared. By God’s mysterious design, the gift of faith we have received is now being shared by the millions of Christian Filipino migrants in different parts of the world,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Pinasalamatan ng Cardinal ang mga ninuno, mga misyonerong pari at layko na nagdala ng kristiyanismo sa Pilipinas noong 1521 kung saaan patuloy na ipinapayabong ng mamamayan.

Bukod sa mga pari, madre at relihiyoso ay malaki din ang papel na ginagampanan ng pamilya sa pagpapalago ng pananampalataya, mga guro sa mga eskwelahang humubog sa kabataan at ang mga katekista na katuwang ng simbahan.

Pinasalamatan din ng opisyal ng Vatican ang mahigit sampung milyong O-F-W sa ba’t-ibang panig ng mundo dahil sa masigasig na pakikiisa sa gawain ng simbahan na isang paraan upang mapalaganap ang pananampalataya.

Pinangunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng banal na misa para sa 500 Years of Christianity sa St. Peter’s Basilica kasama sina Cardinal Tagle at Cardinal Anghelo de Donatis, ang Vicar ng Santo Papa sa Roma.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga Filipinong migrante na manatiling kumapit sa Panginoon at sa Mahal na Birhen sa mga panahong pinanghihinaan bunsod ng iba’t-ibang hamong kinakaharap sa buhay.

“When lonely moments come, Filipino migrants find strength in Jesus who journeys with us, the Jesus who became a Child (Santo Nino) and known as the Nazarene (Jesus Nazareno), bore the Cross for us. We are assured of the embrace of our Mother Mary and the protection of the saints,” giit ni Cardinal Tagle

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 61,369 total views

 61,369 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 69,143 total views

 69,143 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 77,323 total views

 77,323 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 93,146 total views

 93,146 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 97,089 total views

 97,089 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top