Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Igalang ang kasagraduhan ng boto ng mga taga-Palawan-Obispo

SHARE THE TRUTH

 583 total views

Nanawagan ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa mga Palaweño na maging mapagbantay sa nagaganap na canvassing of votes matapos ang plebisito sa probinsya noong ika-13 ng Marso, 2021.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, dapat na igalang ang kasagraduhan ng boto ng bawat Palaweño na nakibahagi sa plebisito.

Ipinapanalangin rin ng Obispo ang pananaig ng katapatan at kabutihan sa lahat ng mga nangangasiwa sa pagbibilang ng boto sa naganap na plebisito kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng probinsya ng Palawan.

“Now that the plebiscite is coming to a close, we call on every Palaweño to be very vigilant in the conduct of canvassing of votes. The people has spoken and they must be listened to through deep respect on the sanctity of ballots. We pray for those who are tasked to facilitate the counting of votes. May you always be inspired and guided by your solemn promise to serve the people and the common good.”pahayag ni Bishop Mesiona.

Nagpaabot naman ng pagkilala at pasasalamat ang Obispo sa lahat ng mga nagsilbi bilang local Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) volunteers na nagsilbing tagapagbantay ng Simbahan sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa katatapos lamang na plebisito sa Palawan.

“Meanwhile, I express my admiration and gratitude to those who selflessly served as PPC-RV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) volunteers in their respective parishes. Your faith has shown so brightly serving and collaborating in the task socio-political.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Samantala sa panayam ng Obispo sa Radio Veritas na Veritas Pilipinas, inihayag ng Obispo na sinasalamin ng inisyal na resulta ng naganap na plebisito sa probinsya kung saan higit na nakalalamang ang botong ‘No’ o ‘Hindi’ ang paninindigan ng mga Palaweño para sa iisang probinsya ng Palawan.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan ni Bishop Mesiona sa paninindigan ng mga Palaweño laban sa paghahati sa tatlo sa probinsya ay ang pagkawala ng pagkakakilanlan ng mamamayan.

Naniniwala rin si Bishop Mesiona na maaari pa ring maibahagi sa lahat ng mamamayan ang pag-ulad at pagbabago sa Palawan kahit hindi ito hatiin sa tatlo.

“Una ang unang dahilan ay hindi po talaga , ayaw po talaga nila na mahati-hati sila kasi ibig sabihin mawawala yung identity nila bilang Palaweño kung mahati nga yung Palawan. Pangalawa ay hindi pa naman po siguro kasi ganoon kadami ang tao sa Palawan at kailangan hatiin. Pangatlo, siguro po ay yung tinatawag na kaunlaran o development ay maari namang gawin kahit na yung mapaglingkuran ay buong Palawan”. pagbabahagi ni Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa tala ng Commission on Election may 490,369 ang bilang ng mga botante sa Palawan kung saan 244,029 o 49.76% ng mga botante sa probinsya ang nakibahagi sa naganap na plebisito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,207 total views

 42,207 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,688 total views

 79,688 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,683 total views

 111,683 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,427 total views

 156,427 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,373 total views

 179,373 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,652 total views

 6,652 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,276 total views

 17,276 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,653 total views

 6,653 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,268 total views

 61,268 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,856 total views

 38,856 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,795 total views

 45,795 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top