Kapayapaan at kapatiran

SHARE THE TRUTH

 391 total views

Mga Kapanalig, sinabi sa Efeso 4:31-32, “alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.” Isa itong paalala kung paano natin dapat ituring ang isa’t isa. Ganito rin ang mensahe ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Iraq nitong Marso.

Sa kabila ng mga panganib ng COVID-19 at banta ng terorismo, naging matagumpay ang tatlong araw na pagbisita ni Pope Francis sa Iraq mula ika-5 hanggang ika-8 ng Marso. Sa isang video message bago ang kaniyang pag-alis, sinabi niyang pupunta siya sa Iraq bilang pilgrim of peace and hope. Ipinarating ng Santo Papa sa mga mamamayan ng Iraq na inihihingi niya mula sa Panginoon ang kapatawaran at pagkakasundo sa ilang taóng karahasan dulot ng digmaan at hindi pagkakasundong bumabalot sa bansa.



Katulad ng ilan pang mga bansa sa Middle East, balót ang Iraq ng tensyong nakaaapekto sa kapayapaan at seguridad ng mga komunidad doon. Sa Religious Freedom in the World Report 2018, kasama ang Iraq 38 sa 196 na mga bansang mayroong religious freedom violations o mga paglabag sa karapatan sa malayang pagpapapahayag ng kanilang pananampalataya. Labimpito sa mga bansang ito ay nasa kategorya ng “discrimination” dahil sa “institutionalization of intolerance” o pagkakaroon ng mga patakarang lantarang ginugulo o ginigipit ang mga mamamayan base sa kanilang relihiyon at pananampalataya. Samantala, 21 bansa naman ang nasa kategorya ng “persecution” dahil sa lantarang pag-atake ng mga grupong ginagamit ang kanilang relihiyon upang makapanira ng ari-arian ng ibang taong iba ang paniniwala, upang paalisin sila sa kanilang mga tirahan, at upang kumitil ng mga buhay. Dagdag pa ng report, 80% ng lahat ng paniniiil na nag-uugat sa relihiyon sa buong mundo ay nakadirekta sa mga Kristiyano, bagay na nakikita natin sa mga bansang katulad ng Iraq.

Mula nang magsimula ang mga digmaan at tensiyon sa Iraq noong 2003, labis na nagdusa ang mga Kristiyano sa mga pagpatay, panggigipit, at karahasan ng mga militanteng grupo. Gayunman, sa kabila ng ilang naganap na pambobomba ilang linggo lamang bago ang kanyang pagbisita, determinado pa rin si Pope Francis na maghatid ng pag-asa, paghilom, at mensahe ng kapayapaan sa mga tao roon. Hangad ng Santo Papa na pagkaisahin ang mga mamamayan sa Iraq sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, pananaw, at mga tradisyon. Aniya, dapat na manaig ang kapatiran upang makamtan ang kapayapaan sa lipunan. Sa kanyang pagbisita sa apat na siyudad sa Iraq na nawasak sa ilalim ng pananakop ng Islamic State, nais niyang biyayaan ng pag-asa ang mga tao, lalo na ang mga Katolikong biktima ng karahasan at lubos na naghirap sa kamay ng mga taong may ibang paniniwala. Hinimok niya ang mga Kristiyano roong huwag panghinaan ng loob at bagkus ay magpatawad.

Sa makasaysayang papal visit ng Santo Papa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtataguyod ng fraternity o kapatiran. Panawagan niya sa mga mananampalataya roong igalang ang pananaw ng iba at mabuhay nang nagtutulungan at nagkakasundo. Sa pag-uumpisa ng mga Kristiyano roong muling ayusin ang kanilang mga tahanan, gusali, at simbahan, sinabi ni Pope Francis na ito ang tamang panahon upang mapanumbalik hindi lamang ang mga nasirang gusali kundi pati ang “bonds of the community” o mga bagay na nagbubuklod sa mga pamayanan.

Mga Kapanalig, katulad ng panawagan ng Santo Papa sa kaniyang ensiklikal na Fratelli Tutti, “halina’t mangarap tayo bilang isang pamilya, bilang kapwa manlalakbay, bilang mga anak ng iisang daigdig na ating tahanan, kung saan ibinabahagi ng bawat isa ang kani-kaniyang paniniwala, at nagpapahayag na magkakapatid tayong lahat.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 255 total views

 255 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,616 total views

 25,616 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,244 total views

 36,244 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,266 total views

 57,266 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,971 total views

 75,971 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 256 total views

 256 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,617 total views

 25,617 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,245 total views

 36,245 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,267 total views

 57,267 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,972 total views

 75,972 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 108,291 total views

 108,291 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 90,965 total views

 90,965 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 123,583 total views

 123,583 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 120,599 total views

 120,599 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 122,528 total views

 122,528 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »
Scroll to Top