139 total views
Cardinal Tagle,nakiramay sa mga biktima ng Bastile day fireworks tragedy sa France.
Nagpa – abot ng pakikiramay si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mahigit 70 namatay matapos na araruhin ng isang trak ang mga nanunuod sa Bastille Day Fireworks sa Nice, France.
Binanggit ni Cardinal Tagle sa pagbubukas ng 3rd Philippine Conference on New Evangelization na ginaganap sa University of Sto. Tomas. na ang makabagong pagpapahayag ng ebanghelyo ay ang pagpapadama ng awa at malasakit ng Diyos sa mga nakararanas ng gulo at terorismo.
Mariin rin nitong kinondina ang naturang insidente na binabalewala ang dignidad ng bawat tao na makapamuhay ng mapayapa.
“I heard over the news that as France is celebrating Bastilde 14th of July in Nice where there are many Filipino migrant workers . While people are watching the fireworks a truck just ramp to the crowds and when I left the residencia 60 people has already been dead. Sinagasaan lang and more than a hundred wounded. In a celebration of freedom, in a celebration of brotherhood and sisterhood. In the celebration of equality there has an explosion of misery. Let PCNE be another explosion not the explosion that will harm, the explosion that will disregard lives and dignity but an explosion of redeeming love, mercy, compassion,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas sa PCNE 3.
Matatandaang walong buwan lamang ang nakalilipas nang atakihin ng Islamic State of Iraq and Syria ang Paris na ikinasawi ng 130 katao.