196 total views
Mahigpit na kinokondena ng Simbahang katolika ang mga gawain ng extractive industry na nagdudulot ng malubhang pinsala sa kalikasan.
Ayon kay Rev Fr. Edu Gariguez Executive Secretary CBCP-NASSA/ Caritas Philippines, ang nais ng Simbahan ay ang ikabubuti ng lahat at hindi nito kukunsintihin ang pansariling interes ng iilan.
Dagdag pa ng pari, kinakailangan ang lahat ay magkaisa at makisangkot sa pagtulong sa kanilang kapwa, dahil ang usapin ng pagkasira sa kalikasan ay isang moral issue na dapat harapin ng bawat isa lalo na’t mahihirap ang nagiging pangunahing biktima ng nagbabagong klima.
“Ang ating mga Diyosises, an gating simbahan ay mahigpit na tumututol, dahil ang nakataya dito ay yung common good. Hindi ito environment lang at political issue, ang nakataya dito ay moralidad, lalo’t higit ang kapakanan ng mga taong mahiihrap na sila yung pangunahing tatamaan ng kapinsalaan ng climate change.” Pahayag ni Father Gariguez sa Radyo Veritas.
Sa SWS survey sa huling bahagi ng 2015, limampung porsyento sa pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap, katumbas ito ng 11.2 milyong mga pamilya sa bansa.
Samantala, sa Laudato Si binibigyang diin ni Pope Francis, na hindi makatarungan na ang mga mahihirap nating kababayan ang pinakamahina at unang naaapektuhan ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan.