Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila-Damayan Alay Kapwa telethon, paghahanda ng Simbahan sa anumang kalamidad

SHARE THE TRUTH

 2,846 total views

Binigyang diin ng Caritas Manila ang kahalagahan ng pagiging maagap at paghahanda ng Simbahan upang aktibong makatulong sa mga nangangailangan at biktima ng kalamidad.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual na siya ring pangulo ng Radyo Veritas 846, layunin ng Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 na ginagawa tuwing Lunes Santo na makalikom ng pondo ang social arm ng Archdiocese of Manila para makatulong sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Ipinaliwanag ng Pari na mahalagang maging pro-active o maagap ang Simbahan upang kagyat na matugunan ang pangangailangan ng mga maaring mabiktima ng mga kalamidad na gawa ng kalikasan o gawa ng tao.

“Sa ating mga Kapanalig nawa’y ngayong Lunes Santo – Alay Kapwa ay maging aktibo tayo, makatulong tayo sa mga biktima ng kalamidad sa ating bansa at mahalaga na we prepare early kaya naglilikom po ng pondo ang Caritas Manila para kapag dumating ang mga disaster na gawa ng kalikasan o gawa ng tao ay mabilis na makatugon ang ating Simbahan, pro-active tayo sapagkat meron na tayong pondo.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, ang anumang halaga o tulong at suporta na maipapaabot ng bawat isa sa Caritas Manila ay malaki ang maiaambag upang maibahagi sa mga nangangailangan ang biyaya at pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat lalo’t higit para sa mga nangangailangan.

“Yung maitutulong niyo hindi naman kailangan kahit magkano ang mahalaga nakapagbigay tayo kahit maliit lang ang mahalaga we shared our blessings so that others may also experience the blessings of God lalong lalo na yung mga directly naapektuhan ng kalamidad na gawa ng kalikasan o gawa ng tao.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Ayon sa Pari, ang pakikiisa sa gawain at pagbabahagi ng anumang tulong in-cash o in-kind ay isang pagpapakita rin ng diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Pilipino na kalingain ang kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad, na isa ring patotoo na buhay ang pananampalataya at nakikita sa kongkretong gawa.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, bukod sa kagyat na tulong ng mga pagkain ay aktibo rin ang Caritas Manila sa pagtulong sa rehabilitasyon ng mga nasirang Simbahan gayundin sa pagkakaroon ng permanenteng bahay sa mga nawalan ng tahanan.

“Yun pong ating pag-aabuloy in-cash and in-kind at yung ating pagbo-volunteer ng ating time, talent, treasure ay napakahalaga na patotoo na buhay ang ating pananampalataya at nakikita sa kongkretong gawa at hindi lang kasi ito dole-out, dole-out is just the beginning and relief ay few days lang yan pero kailangan tumuloy pa rin tayo sa rehabilitation to help the poor help themselves.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Nilinaw naman ni Fr. Pascual na hindi natatapos sa isang araw na Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 ang pagtulong at pagsuporta sa misyon ng social arm ng Archdiocese of Manila bilang daluyan ng pag-asa, habag, awa, at pagmamahal ng Panginoon para sa mga nangangailangan sapagkat tuwinang tinatawagan ang lahat na suportahan ang misyon ng Simbahan para sa mga nangangailangan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,082 total views

 79,082 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 86,857 total views

 86,857 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,037 total views

 95,037 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 110,587 total views

 110,587 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 114,530 total views

 114,530 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,537 total views

 23,537 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,209 total views

 24,209 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top