Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, dismayado sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

 310 total views

August 5, 2020, 12:20PM

Dismayado ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na sa kasalukuyan ay umaabot na sa mahigit 110,000 ang kasong naitala sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines National Chairperson Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakababahala na ang sitwasyon ng patuloy na pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit sa bansa.

Dahil dito, umaapela ang Obispo ng pagiging disiplinado ng mamamayan sa pagsunod sa mga safety health protocols na ipinatutupad.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa pamahalaan na muling suriin ang ipinatutupad na mga paraan ng pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19 upang epektibong mawakasan ang pagkalat ng sakit.

“Nakakalungkot at saka siguro panawagan talaga natin hindi lamang sa ating mga kapatid na tuparin ang disiplina sa pagsunod ng health protocol at higit sa lahat panawagan natin sa ating pamahalaan na pag-isipan at pagsikapan na ma-stop at ma-flatten yung curve natin at saka hindi na makalat pa talaga (yung virus)…”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan na mabigyan ng ayuda ang mga pinakaapektadong mamamayan lalo na sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region at karatig lalawigan.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalagang mabigyan ang suporta ang mga apektadong pamilya na pinagbabawalang lumabas ng tahanan.

“Siguro napaka-importante matulungan natin ang ating mga kababayan na mabigyan ng ayuda, ng sustento para maiwasan nila na huwag lumabas at maghanapbuhay. Yun ang nagiging sanhi minsan ng pagkalat (ng virus) yung ating crowd exposures nawawala yung social distancing, physical distancing. Panawagan natin sa ating pamahalaan tulungan po natin at magkaisa po tayo” Dagdag pahayag ni Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ika-4 ng Agosto muling ipinatupad ng pamahalaan ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na magtatagal hanggang sa ika-18 ng Agosto kasunod ng apela ng mga medical frontliners.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,190 total views

 73,190 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,185 total views

 105,185 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,977 total views

 149,977 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,927 total views

 172,927 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,325 total views

 188,325 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 463 total views

 463 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,530 total views

 11,530 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 465 total views

 465 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,444 total views

 60,444 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,034 total views

 38,034 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,973 total views

 44,973 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,428 total views

 54,428 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top