Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Social media surveillance, itinuturing ng CBCP na mapanganib

SHARE THE TRUTH

 386 total views

August 5, 2020, 12:13PM

Naniniwala ang opisyal ng social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na lubhang mapanganib ang binabalak ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na isama ang social media sa pangangasiwaan sa ilalim ng anti-terror law.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, ang plano ng Armed Forces of the Philippines ay labag sa Saligang Batas.

“On the plan of the AFP to include Social Media sa surveillance under the Anti-Terror Law, I believe that this inclusion will be another dangerous element/thing to be added to the already controversial and highly contested law; I believe this would just be another window for abuse in the already questionable law,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kasunod ng pahayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na isama ang social media sa babantayan sa ilalim ng Anti-Terror Law sapagkat ginagamit ito ng mga terorista.

Ikinatwiran ng A-F-P Chief sa pamamagitan ng social media mas nakakahimok at nakakapag-recruit ang mga terorista at nakapagpa-plano ng mga pang-atake sa pamahalaan.

Nilinaw ni Bishop Maralit na mahirap paniwalaan ang tunay na layunin ng naturang batas lalo’t patuloy ang pamamayagpag ng ‘subjective brandings’ lalo na sa mga indibidwal at institusyong pumupuna sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.

“No matter how much we are assured that it is only for those who really pose a threat to national security, it is truly hard to see the objectivity of this point when we continue to witness subjective brandings or biased profiling of people or institutions,” saad pa ni Bishop Maralit.

Inihalimbawa ng Obispo ang pagturing sa mga healtworkers na rebolusyunaryo dahil sa pagsasapubliko ng kanilang mga hinaing kaugnay sa pagtugon sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Iginiit ni Bishop Maralit na malalabag ang karapatang pantao ng isang indibidwal na pinaghihinalaang terorista kung walang matibay na ebidensya at walang warrant of arrest.

Hugas-kamay naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa personal na opinyon ng pinuno ng A-F-P na hindi sumasalamin sa pamahalaan.

Kasalukuyang nakahain sa Korte Suprema ang 12 petisyon na muling suriin ang nasabing batas at liwanagin ang mga probisyong napapaloob dito.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,528 total views

 69,528 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,303 total views

 77,303 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,483 total views

 85,483 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,095 total views

 101,095 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,038 total views

 105,038 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Huwag matakot sa PNP checkpoint-COMELEC

 14,144 total views

 14,144 total views Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na huwag katakutan ang maraming check points ng Philippine National Police sa bansa. Sa programang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Paglilingkod sa Diyos at sa bayan

 2,571 total views

 2,571 total views Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa lahat ng mga naghahangad maglingkod sa bayan kaugnay na rin sa nagpapatuloy na filing

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top