Obispo, humiling ng dasal sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

August 3, 2020, 8:53AM

Ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy ang lahat ng pastol ng simbahang katolika sa buong mundo lalo’t higit ang mga paring Filipino na patuloy humaharap sa hamong maglingkod sa gitna ng krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Sa panayam ng Radio Veritas kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng komisyon, sinabi nitong mahalagang ipagdasal ang bawat pari na mapagtagumpayan ang pagiging kaisa ni Kristo sa pagmimisyon at pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

“Ipagdasal natin na sa gitna ng Corona Virus pandemic ang ating mga lingkod-pari ay magpatuloy sa kanilang misyon: ang pagdiriwang ng misa at pagpapahayag ng Mabuting Balita,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay na rin sa pagdiriwang at paggunita sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney ang patron ng mga pari at kura paroko.

Tiwala si Bishop Famadico na patuloy na itaguyod ng mga pari ang pagtugon sa pangangailangan ng mananampalataya lalo’t higit ang mga dukha na labis apektado ng krisis dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Dagdag pa ng obispo na sa pagpapatuloy ng mga pari sa kani-kanilang gawaing pagkalinga sa kawan ng Diyos ay naipapadama ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan at maramdaman ang pagiging kaisa ng Diyos sa krisis at hamon ng buhay na kinakaharap ng bawat isa.

“Sa ganitong diwa maipapadama nila na si Jesus ay nananatiling kapiling natin at hindi tayo iniiwanan ni pinababayaan ng Diyos,” dagdag ni Bishop Famadico.

Hiniling din ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa lahat ng mga pari sa buong mundo na tinatayang mahigit sa 400, 000 kung saan dalawang porsyento dito ang naglilingkod sa Pilipinas o katumbas sa higit sampung libong mga pari na nangangasiwa sa 86-porsiyentong Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 20,598 total reads

 20,598 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 72,331 total reads

 72,331 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 120,202 total reads

 120,202 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 224,150 total reads

 224,150 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 309,165 total reads

 309,165 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top