Lebanon tragedy, ikinalulungkot ng opisyal ng ICMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

August 5, 2020

Ikinalungkot ng opisyal ng International Catholic Migration Commission at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagsabog sa Beirut, Lebanon na ikinasawi ng maraming indibidwal kabilang ang migranteng Filipino.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pangulo ng ICMC-Asia-Ocenia Working Group at Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ipinag-utos nito sa mga Filipino chaplain partikular sa Middle East na mag-alay ng panalangin at Banal na Misa para sa mga apektadong residente.

“Talagang nakalulungkot at masakit sapagkat very tragic ang nangyari; sinabihan ko ang lahat ng mga Filipino chaplains na mag-ukol ng panalangin at Santa Misa,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa ulat naganap ang pagsabog nitong Martes sa pantalan ng Beirut Lebanon kung saan 78 ang nasawi kabilang na ang dalawang Overseas Filipino Worker habang apat na libo ang nasugatan kasama ang anim na OFW.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng pagsabog.

Dalangin ni Bishop Santos ang kapahingaan ng kaluluwa ng mga nasawing biktima; lubusang paggaling naman sa mga nasugatan at katatagan ng mga naiwang pamilya.

“Ipanalangin natin ang katatagan ng mga naulila, na maging matibay, matatag at patuloy na umasa sa Diyos na makapangyarihan. Dasal din natin ang agarang paggaling ng mga nasugatan para sila ay muling makabangon at maibalik ang kalakasan,” dagdag ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 146,831 total views

 146,831 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 177,055 total views

 177,055 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 203,701 total views

 203,701 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 298,674 total views

 298,674 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 310,083 total views

 310,083 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top