Caritas Philippines, nagpahayag ng suporta sa Dapat Isa Lang People’s Initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,051 total reads

Nagpahayag ng buong suporta ang Caritas Philippines sa Dapat Isa Lang People’s Initiative na naglalayong wakasan ang political dynasties sa bansa.

Sa pahayag na inilabas noong Setyembre 30, 2026 sa Urdaneta City, ipinahayag ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang suporta at pakikiisa sa panawagan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa pastoral statement na inilabas ng CBCP noong Setyembre 25, 2026 para sa pagpapatupad ng isang “genuine, meaningful, and effective” Anti-Political Dynasty Law, kasabay ng pagsuporta sa Dapat Isa Lang People’s Initiative bilang isang mapayapa, legal at demokratikong hakbang ng mga mamamayan.

“In the name of Archbishop Gilbert Garcera, President of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and Archbishop of Lipa, and in my capacity as President of Caritas Philippines, together with Fr. Tito Caluag, Executive Director of Caritas Philippines, I declare our full support for the Dapat Isa Lang People’s Initiative to end political dynasties.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminza.

Ginawa ni Bishop Alminza ang pahayag sa Panpacific University Events Center sa Urdaneta City, kung saan naroon din ang mga kinatawan ng 13 archdioceses, dioceses at apostolic vicariates na kabilang sa Northern Luzon Social Action Network.

Ayon sa Caritas Philippines, ang People’s Initiative ay nakaugat sa panawagan para sa pakikilahok ng mamamayan at sa pananampalataya at malasakit sa bayan at sa common home.

“This People’s Initiative is an expression of people power, inspired by our faith in God and our concern for our country and our common home.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Samantala hinikayat din ni Bishop Alminaza ang mga Pilipino na magkaisa sa usapin ng pagpapalawig sa usapin ng pamamahala at pananagutan sa pamahalaan.

“Mga mahal kong kapatid, kapwa Pilipino: magkaisa tayo. Dapat Isa Lang!” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Ang pahayag ng Caritas Philippines ay bahagi rin ng patuloy na pakikilahok ng social action network ng Simbahan sa mga usaping may kaugnayan sa pamamahala, pananagutan at kapakanan ng sambayanan.

Sa bahagi ng Church social teaching, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa buhay pampubliko ay bahagi ng pagtataguyod ng common good, katarungan at responsableng pamamahala, habang ang mga usaping pampulitika ay dapat isulong sa paraang gumagalang sa dignidad ng bawat tao at sa mga institusyong demokratiko.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,678 total reads

 21,678 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 46,633 total reads

 46,633 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,116 total reads

 117,116 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 203,631 total reads

 203,631 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 246,654 total reads

 246,654 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 294,541 total reads

 294,541 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,679 total reads

 21,679 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top