Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Catholic schools at institutions, inaanyayahan sa CEAP national convention 2022

SHARE THE TRUTH

 706 total views

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang bawat Katolikong paaralan at institusyon na makiisa sa 2022 CEAP National Convention na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City simula ika-25 hanggang ika-28 ng Oktubre 2022.

Ibinahagi ni Jose Allan Arelleno, Executive Director ng CEAP na umaabot na sa 2,500 ang mga delegadong nagpatala na dadalo sa pagtitipon.

Inaasahan ng CEAP na makadalo ang 3,200 delegado sa National Convention na mayroong temang ‘Pilgrims of Hope Moving Forward in Synodality’.

“Patuloy kaming nag-iimbita para sa aming mga kasama sa Catholic Education na dumalo sa first convention natin after the pandemic this is the first after 2-yrs or 3-yrs, sumama kayo sa amin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Arellano sa programang Barangay Simbayanan.

Sa apat na araw na pagtitipon, isasagawa ang mga programang nakatuon sa edukasyon, relasyon ng Simbahan sa mga Katolikong paaralan o institusyon at paglilinang sa pananampalataya ng mga mag-aaral.

Sa October 26, ikalawang araw ng pagtitipon ay pangungunahan ni Catholic Bishops Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang Misa ganap na ala-una ng hapon.

Sa huling araw ay isasagawa din ang paggagawad ng parangal sa mga outgoing board member ng institusyon at oathtaking ng mga bagong halal na CEAP National board members.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idadaaos ang pisikal na pagtitipon matapos ang dalawang taong pagkaantala ng gawain ng dahil sa banta ng pandemya.

Binubuo ang C-E-A-P ng mahigit 1,600-kasapi na mga katolikong paaralan at institusyon sa buong Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,132 total views

 10,132 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,615 total views

 21,615 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,304 total views

 37,304 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 38,059 total views

 38,059 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,657 total views

 47,657 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top