Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Smart and Sustainable Urban Development

SHARE THE TRUTH

 306 total views

Kapanalig, parami ng parami ang mga mamamayang Filipinong tumitira sa mga urban areas ng ating bansa. Ang pangyayaring ito ay laging trending sa atin. Ito ay dahil sa mga urban areas nakikita ng marami nating kababayan ang unang hakbang tungo sa kaunlaran.

Sa ngayon, base sa opisyal na datos,  54% na ng ating populasyon ang nakatira sa mga urban barangays. Siksikan na sa mga lugar na ito kapanalig. Kumpara sa rural barangays, napaka-konti ng ating mga urban barangays. Mga 7,957 lamang ang mga ito sa bansa, habang 34,089 naman ang mga rural barangays nitong 2020. Handa ba tayo sa pagdami pa ng mga tao sa ating mga urban areas?

Kung titingnan lamang ang sitwasyon ng ating mass transport sa mga siyudad, isang malakas na NO o HINDI ang sagot sa tanong na ito. Kung atin pang idagdag ang congestion hindi lamang sa kalye kundi sa mga kabahayan sa bansa, masasabi natin na putok na putok na sa dami ng tao ang mga pangunahing syudad ng bayan. Paano na tayo  ngayon?

Kapanalig, we need to build smart and sustainable cities, lalo ngayong panahon ng climate change at digital technology. Ang panahon na ito ay oportunidad upang mas mabilis na makamtan ng mga bansang gaya ng Pilipinas ang pagkakaroon ng smart at sustainable cities – mga siyudad na inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang mga smart at sustainable cities ay responsive sa pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ginagamit nito ang teknolohiya at kapaligiran upang mas madaling maabot ng mga mamamayan ang kanilang mga pangarap at ambisyon. Pinapa-taas nito ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan at ginagawang ligtas ang lahat sa mga panganib na dala ng mga kalamidad.

Sa sitwasyon ng mga siyudad ng bansa  ngayon, malayo pa tayo sa pagiging smart at sustainable. Ayon nga sa 2022 Digital Cities Index, kulelat ang ating Manila  – 39.1 out of 100 ang score nito sa index, na malayo sa Asia Pacific average na 59.4. Sana kapanalig, ang resultang ito ay hindi magpahina sa loob ng ating mga kaugnay na kawani ng pamahalaan. Sana maging maging hamon ito sa kanila upang maisakatuparan na ang maayos na urban development sa ating mga siyudad. Kailangan na ng bayan ito, lalo’t tinatayang pagdating ng 2045, aabot na ng 142 million ang ating populasyon. Inaasahan na ang mga urbanized regions gaya ng CALABARZON, NCR, at Central Luzon ang mangunguna pa rin sa dami ng tao pagdating ng 2045.

Kapanalig, ang pagbibigay ng prayoridad sa kapakanan ng tao ng mga smart and sustainable cities ay echo o alingawngaw ng prinsipyo ng dignidad ng tao sa panlipunang turo ng Simbahan. Pinapakita nito, ayon nga sa Mater et Magistra, na ang “tao ang pundasyon, dahilan, at layunin ng lahat ng panlipunang institusyon.” Kaya’t sana, tunay at agaran nating makamtan ang pagiging smart at sustainable ng mga siyudad sa ating bansa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,280 total views

 6,280 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,264 total views

 24,264 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,201 total views

 44,201 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,394 total views

 61,394 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,769 total views

 74,769 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,381 total views

 16,381 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,281 total views

 6,281 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,265 total views

 24,265 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,202 total views

 44,202 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,395 total views

 61,395 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,770 total views

 74,770 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 85,989 total views

 85,989 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,754 total views

 120,754 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,739 total views

 119,739 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,392 total views

 132,392 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top