Catholic schools at institutions, inaanyayahan sa CEAP national convention 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total views

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang bawat Katolikong paaralan at institusyon na makiisa sa 2022 CEAP National Convention na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City simula ika-25 hanggang ika-28 ng Oktubre 2022.

Ibinahagi ni Jose Allan Arelleno, Executive Director ng CEAP na umaabot na sa 2,500 ang mga delegadong nagpatala na dadalo sa pagtitipon.

Inaasahan ng CEAP na makadalo ang 3,200 delegado sa National Convention na mayroong temang ‘Pilgrims of Hope Moving Forward in Synodality’.

“Patuloy kaming nag-iimbita para sa aming mga kasama sa Catholic Education na dumalo sa first convention natin after the pandemic this is the first after 2-yrs or 3-yrs, sumama kayo sa amin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Arellano sa programang Barangay Simbayanan.

Sa apat na araw na pagtitipon, isasagawa ang mga programang nakatuon sa edukasyon, relasyon ng Simbahan sa mga Katolikong paaralan o institusyon at paglilinang sa pananampalataya ng mga mag-aaral.

Sa October 26, ikalawang araw ng pagtitipon ay pangungunahan ni Catholic Bishops Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang Misa ganap na ala-una ng hapon.

Sa huling araw ay isasagawa din ang paggagawad ng parangal sa mga outgoing board member ng institusyon at oathtaking ng mga bagong halal na CEAP National board members.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idadaaos ang pisikal na pagtitipon matapos ang dalawang taong pagkaantala ng gawain ng dahil sa banta ng pandemya.

Binubuo ang C-E-A-P ng mahigit 1,600-kasapi na mga katolikong paaralan at institusyon sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 881 total views

 881 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 31,104 total views

 31,104 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 57,755 total views

 57,755 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 152,800 total views

 152,800 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 174,252 total views

 174,252 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top