Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, dismayado sa dumaraming kaso ng child abandonement

SHARE THE TRUTH

 11,651 total views

Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga kaso ng mga bagong silang na sanggol na basta iniiwan na lamang sa iba’t ibang mga lugar.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace bagamat hindi maaaring basta husgahan ang mga ina ng mga naturang sanggol ay labis namang nakababahala ang basta pag-iwan at pagpapabaya sa mga bagong silang na sanggol na walang kamalay-malay.

Paliwanag ng Obispo, nakalulungkot ang naturang mga pangyayari na maaaring sumasalamin sa uri ng lipunang umiiral sa bansa sa kasalukuyang panahon.

Iginit ni Bishop Alminza, napananahon na upang muling suriin ng bawat isa ang ating kultura, budhi, paraan ng pamumuhay at sistema ng pagpapahalaga na dapat ay nakabatay sa kung ano ang tama at mabuti.

“While we can’t judge the mothers concerned without knowing their back story, yet such actions are deplorable and reflective of the kind of society we have become! Such stories should challenge us to examine our conscience, our culture, lifestyle, and value system…. What have we become? Why?” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Unang iginiit ng Pro-life Philippines na hindi sex education ang sagot sa patuloy na suliranin ng teenage pregnacies sa bansa sa halip ay ang pagpapatatag ng values, moralidad at samahan ng pamilyang Pilipino na nagsisilbing unang batayan sa konsepto ng pag-ibig at pagmamahal ng bawat indibidwal lalo’t higit ng mga kabataan.

Paliwanag pro-life group, kung maaagang mamumulat ang mga kabataan sa tunay na diwa ng pag-ibig na pagsasakripisyo at paggalang sa taong minamahal ay hindi na kakailanganin pang gabayan ang mga kabataan kaugnay sa konsepto ng pagpapahayag ng pag-ibig sa makamundong pamamaraan.

Kaugnay nito batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022 umabot sa 150,138 ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak ng mga adolescent mothers o katumbas ng 10% mula sa kabuuang registered births sa nasabing taon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 14,918 total views

 14,918 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 25,895 total views

 25,895 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 59,347 total views

 59,347 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 79,697 total views

 79,696 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 91,116 total views

 91,116 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,193 total views

 8,193 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 8,817 total views

 8,817 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top