1,828 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagsasabuhay sa temang “Peace Begins with Dignity: A Global Call to End Human Trafficking,.
Ito ang mensahe ni CBCP-ECMI chairman Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa National Day of Prayer and Awareness Against Human Trafficking (NDPAHT).
Nananawagan si Bishop Mesiona sa simbahan, pamahalaan, civil society group at mamamayan na sama-samang labanan ang pang-aabuso sa dignidad ng tao.
Iginiit ng Obispo na nananatiling banta ang human trafficking sa Pilipinas kabilang ang ilegal na recruitment, sapilitang paggawa, sexual abuse , at paglaganap ng online abuse, partikular sa mga bata.
““Peace is not merely the absence of conflict; true peace begins when every human person is recognized, respected, and protected in his or her God-given dignity,” ayon sa mensahe ni Bishop Mesiona.
Ayon sa Komisyon, lumalala ang sitwasyon dahil sa kahirapan, displacement, kakulangan sa edukasyon, digmaan, kalamidad, at maling paggamit ng digital platforms, lalo na sa mga migrante, kababaihan, bata, at marginalized o mahihirap na pamilya.
Nanawagan ang CBCP-ECMI ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagpapalaganap ng impormasyon laban sa operasyon ng human trafficking.
Hinimok ng Obispo ang estado na mahigpit na ipatupad ang batas,bigyan ng proteksyon ang mga biktima at pabagutin ang mga sala.
Hinikayat din ng Obispo ang mga parokya na maging mapagbantay at makiisa sa diocesan programs laban sa human trafficking, lalo na sa pamamagitan ng edukasyon, social media, at youth formation.
“We are called to listen to the cry of the poor, protect the vulnerable, and challenge structures that allow exploitation to persist. Human trafficking is not merely a social issue; it is a profound moral concern that calls for conversion of hearts and transformation of systems.” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Mesiona
Sa NDPAHT ay itinampok ang halimbawa ni Santa Josephine Bakhita, dating biktima ng pagka-alipin, bilang simbolo ng pag-asa at pananampalataya.




