Lagda ng Dupax del Norte residents para sa mining explorations, kinuwestyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,915 total reads

Binatikos ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang hindi malinaw na paraan ng pagkuha ng pahintulot ng mga residente kaugnay sa mining exploration sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, kasunod ng paninindigan ng mga mamamayan na magtayo ng barikada upang ipagtanggol ang kanilang lupain.

Ayon sa obispo, pangunahing tanong ng mga residente kung paano at kanino talaga nagmula ang sinasabing pahintulot o consent para sa proyekto, lalo’t malinaw ang pamantayan ng free, prior, and informed consent (FPIC).

“Talagang iyan ang una naming katanungan: how did they get the signature of the people? Talagang kuwestiyonable ‘yung pamamaraan ng pagkuha ng pagpayag ng mga tao. Sino ba talaga ang nagbigay ng permiso at bakit hindi kami nakonsulta?,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Tinukoy ni Bishop Mangalinao ang saloobin ng mga residente na ang mga pagpupulong ay inilahad bilang karaniwang pagtitipon lamang, subalit ang mga attendance sheet ay kalauna’y itinuring na dokumento ng konsultasyon.

Dagdag ng obispo, kulang ang malinaw at inklusibong impormasyon sa mga apektadong komunidad dahil hindi sapat ang nakasulat na anunsyo lamang, lalo’t may mga sektor na hindi nito naaabot.

“Paano mababasa ng mga bulag? Paano maririnig ng mga bingi? Paano ‘yung mga taong hindi naman nakararating sa munisipyo pero sila ang apektado? Dapat hindi lang written, kundi vocal—talagang ikinakalat ang impormasyon. Hindi ito ginawa,” paliwanag ng obispo.

Sinariwa din ni Bishop Mangalinao ang naging karanasan ng lalawigan sa malalaking open-pit mining operations tulad ng OceanaGold sa Didipio, Kasibu at FCF sa Quezon, Nueva Vizcaya, na nagdulot ng malawakang pagkasira ng kabundukan at kabuhayan.

Iginiit ng obispo na ang pang-aabusong dala ng mapaminsalang pag-unlad ay nag-iiwan lamang ng labis na pinsala tulad ng polusyon sa tubig, hangin, at pagkawala ng kabuhayan, na hindi na dapat muling maulit at magpahirap sa mamamayan.

Kaugnay naman ng marahas na pagbuwag sa barikada, inilarawan ni Bishop Mangalinao na labis at hindi makatao ang pagdating ng daan-daang pulis, mga truck, sundalo, at pribadong tauhan laban sa mga residente na karamiha’y kababaihan.

“Kung makikita sa mga larawan, karamihan sa naroon ay mga babae. Tapos tatapatan ng halos 400 pulis, may mga truck, may sundalo, at mga tauhan ng kumpanya. Overkill ito. Bakit ganito ang batas?” ayon kay Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na hindi lamang usaping legal kundi moral ang suliranin ng pagmimina, lalo na kung ang batas ay nagiging kampi sa malalaking dayuhang korporasyon at laban sa mahihirap.

Panawagan ng obispo sa pambansang pamahalaan at kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na muling suriin ang mga umiiral na batas sa pagmimina.

“Tingnan po ninyo ang batas—kung ito ba ay makatao, makadiyos, at makabayan. Sa nararanasan namin, ang batas ay kalaban ng mahihirap at kakampi ng banyaga. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, hindi ito tama,” pagtatapos ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 125,341 total reads

 125,341 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,670 total reads

 158,670 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 190,814 total reads

 190,814 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 256,877 total reads

 256,877 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 268,040 total reads

 268,040 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,772 total reads

 122,772 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top