CBCP-ECMIP, magbubukas ng chaplaincy sa Amman Jordan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Magbubukas ng Chaplaincy ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa Gitnang Silangan partikular na sa Amman Jordan ngayong taon.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, ito ang resulta ng pakikipagpulong niya kay Bishop Paul Hinder, ang Vicar Apostolic sa Apostolic Vicariate of Southern Arabia noong nakaraang taon kaugnay na rin sa panawagan ng maraming Filipino na dagdagan ang mga paring Filipino doon.

Dahil dito, nanawagan ang obispo sa mga paring nais mag-apostolate at magkaroon ng Ministry sa Amman Jordan na handang maglingkod sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na dumadagsa sa mga Simbahan doon.

Ito’y bagama’t may mga pari na sila na ipadadala doon para tulungan at gabayan ang mga OFW sa kanilang mga gawaing espiritwal, sa kanilang mga trabaho at iba pang problemang kinakaharap.

Umaasa si Bishop Santos na maitatayo ang bagong Chaplaincy bago ang Simbang Gabi ngayong taon.

“Magbubukas din tayo sa taong ito ng chaplaincy sa Amman Jordan, may prospective na tayong mga pari na ipapadala, nais namin bago ang Simbang Gabi, may pari na para tamang-tama maranasan nila ang Simbang gabi.Maraming Filipino at lagi tayo wini-welcome, at welcome kami at kung sino ang pari na gustong mag ministry mag apostolate sa ating mga OFWs, kung nasaan ang Filipino dapat samahan ng mga paring Filipino, tulungan sila sa kanilang pangangailangan sa kanilang mga gawaing pang spiritual at pagtrabatrabaho,” pahayag ni Bishop Santos sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas.

Kamakailan, dumanas muli ng kalbaryo ang mga OFW sa Gitnang Silangan matapos magsara ang apat na malalaking kumpanya doon ang Saudi Oger, Saudi bin Ladin Group, Mohammed Al Mojil, at Al Barghash na hindi man lamang sila pinasahudan ng hanggang 8 buwan.

Nagsara ang mga kumpanya dahil sa pagbaba ng presyo ng langis habang ang iba ay may kaakibat na katiwalian ang pagbagsak ng kanilang negosyo.

Una ng inihayag ng isang Dr. Roel Anicas, isang Academic Manager at Editor sa Kingdom of Saudi Arabia na may siyam na kumpanya ang nagsara at pinagbawalang kumuha at mag-employ ng mga manggagawa kung saan nasa 31,000 OFWs ang hindi sinahuran sa loob ng anim hanggang walong buwan dahil sa pagka-ban ng mga kompanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,358 total reads

 53,358 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,702 total reads

 102,702 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,573 total reads

 150,573 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,522 total reads

 254,522 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 337,968 total reads

 337,968 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 309,490 total reads

 309,490 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 416,670 total reads

 416,670 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top