CBCP-ECPPC, nakikiisa sa paggunita ng Womens Month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,116 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang prison ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng sambayanan ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Kinilala ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC), ang mahalagang ambag ng mga kababaihan sa lipunan lalo’t higit ang dedikasyon sa pagsusulong ng pagkalinga, pagmamahal at pangangalaga maging sa mga Persons Deprive of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

Tinukoy ng prison ministry ng CBCP ang pagsusumikap ng mga kababaihang Volunteers in Prison Service (VIPS) na maging tanglaw ng katarungan na nakapaghihilom at nakapagpapaalala sa kahalagahan ng buhay ng bawat isa maging ng mga nakapiit sa mga bilanguan.

“We celebrate the dedication of our Volunteers in Prison Service (VIPS)—Women who bring hope, dignity, and transformation to those behind bars. Your compassion is a beacon of justice that heals, reminding every incarcerated person that they are not forgotten. Thank you for your unwavering service and love.” Bahagi ng pagbati ng CBCP-ECPPC.

Tema ng paggunita ng Women’s Month sa Pilipinas ngayong taon ang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas,” kung saan una na ring nagpahayag ng pagkilala ang Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng isang makatarungan, at may malasakit na lipunan.

Ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ay ipinagdiriwang tuwing Marso sa buong mundo habang sa Pilipinas, ito ay alinsunod sa Proclamation No. 227, s. 1988, na nagdedeklara ng Marso bilang National Women’s Month upang kilalanin ang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan at itaguyod ang kanilang karapatan at kapakanan.

Ipinagdiriwang naman ang International Women’s Day tuwing Marso 8 bilang isang pandaigdigang araw ng pagkilala sa mga tagumpay ng kababaihan sa iba’t ibang larangan at ng patuloy na laban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 14,618 total views

 14,618 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 20,747 total views

 20,747 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 50,889 total views

 50,889 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 71,555 total views

 71,555 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 92,790 total views

 92,790 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 4,706 total views

 4,706 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 4,700 total views

 4,700 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top