CBCP-ECY, makikiisa sa panawagang day of fasting and prayer ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,089 total reads

Tiniyak ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang aktibong pagtugon at pakikibahagi sa panawagan ni Pope Leo XIV na Day of Fasting and Prayer for Peace’ ngayong ika-22 ng Agosto 2025.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, napapanahon ang panawagan ng Santo Papa na pagsasagawa ng isang ‘Araw ng Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’ kasabay ng paggunita ng Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace sa ika-22 ng Agosto.

Pagbabahagi ng Arsobispo, kaisa ng mga dumaranas ng mga pagdurusa dahil sa mga patuloy na nagaganap na armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa ang Arkidiyosesis ng Caceres gayundin ang youth ministry ng CBCP sa pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon upang mawakasan na ang patuloy na digmaang bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan lalo’t higit ang mga bata at mahihina sa lipunan.

“We welcome the Holy Father’s call for fasting and prayer tomorrow, on the Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace. We stand in solidarity with our brothers and sisters, especially the young and the children, the innocent ones, who are victims of war, hatred and injustice.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Partikular namang hinikayat ng Arsobispo ang mga kabataang Pilipino na makilahok sa isang ‘Araw ng Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’, hindi lamang para sa pandaigdigang kapayapaan kundi maging sa katiwasayan sa mismong tahanan, pamayanan at ng bansa.

Paliwanag ni Archbishop Alarcon, naniniwala ang Simbahan partikular na ang youth ministry ng CBCP sa kahalagahan ng pakikilahok ng mga kabataan sa mga katulad na gawain at mga usaping panlipunan na isang patunay ng pagmamalasakit sa kapwa at sa kinabukasan ng bansa.

“We fast and pray for peace in the world, and also in our own homes, community and country. We support this call for prayer and fasting, and especially ask our young people to be part of this endeavor. May we be united in prayer and action, and together let us beg and work for peace. As we sing: ‘Let there be peace on earth, and let it begin with me.’ And may the Peace which comes from Jesus, be ours.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Pinaalalahanan naman ng Arsobispo ang lahat -na ang kapayapaan ay hindi lamang bunga ng panalangin kundi isang hamon para sa konkretong pagkilos ng bawat isa.

bahagi ng panawagan ni Pope Leo XIV ang paghikayat sa mga Katoliko na ialay ang araw ng pananalangin at pag-aayuno bilang paghingi ng awa ng Panginoon, gayundin upang ipapanawagan sa Diyos ang katarungan, kapayapaan, at kaginhawaan para sa mga nagdurusa dahil sa patuloy na armadong sagupaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang sa mga bansang may nagpapatuloy na armadong sagupaan na nagdudulot ng patuloy na matinding pagdurusa sa mga sibilyan hanggang sa kasalukuyan ang mga bansang Sudan, Myanmar, Democratic Republic of the Congo (DRC), Ethiopia, Ukraine, gayundin sa mga bansa sa Gitnang Silangan – partikular na sa Gaza, Syria, at Yemen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,732 total reads

 16,732 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,597 total reads

 54,597 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,807 total reads

 72,807 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,136 total reads

 157,136 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,726 total reads

 193,726 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,032 total reads

 37,032 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top