CBCP-ECY, nanawagan sa CHED na pag-aralang mabuti ang ipapatupad na sistema ng edukasyon

SHARE THE TRUTH

 399 total views

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na suriing mabuti ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ngpinaka-naangkop na sistema ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng kumisyon kaugnay sa inanunsyo ng CHED na patuloy na pagpapatupad ng flexible learning sa mga susunod na taon para sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ayon sa Pari, bagamat tiwala ang kumisyon na dumaan ang naturang desisyon sa pagsusuri ng kagawaran ay hindi naman dapat na maisantabi ang iba’t ibang sitwasyon o kalagayan ng mga mag-aaral sa pagdidesisyon kaugnay sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Iginiit ni Fr. Garganta na may iba’t ibang salik na dapat ikonsidera ang kagawaran tulad na lamang ng kakayahan ng ilang mga mag-aaral na ganap at epektibong makasabay sa Flexible Learning System.

[smartslider3 slider=21]

“As with the pronouncement from CHED, I am certain a careful assessment was made which led to the decision to continue with the Flexible Learning System. Only that, I think there is the need for a commitment from CHED to do a periodical assessment of the situations and conditions that paved the implementation or adaption of the Flexible Learning System. I hope all the factors are carefully look into.”pahayag ni Fr. Garganta sa Radio Veritas.

Matatandaang dahil sa restriksyon na dulot ng COVID-19 pandemic noong nakalipas na taon ay pansamantalang ipinagbawal ang face-to-face classes at ipinatupad ang flexible learning system sa mga mag-aaral na ipagpapatuloy ang implementasyon sa mga kolehiyo at mga pamantasan.

Matapos umani ng mga pagbatikos ang naturang pahayag mula sa iba’t ibang youth groups sa bansa ay nilinaw ni De Vera na saklaw ng flexible learning policy ng komisyon ang kombinasyon ng face-to-face classes, modular at online learning ng mga mag-aaral.

Sa kasalukuyang may 64 na higher education institution ang pinahihintulutan na makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes para sa medicine at allied health courses lamang.

Sa panlipunang turo ng Simbahan, kinakailangang kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro, mag-aaral at maging sa kakayahan ng mga magulang na pawang mahahalagang salik sa pagkakaroon ng mas epektibong sistema ng edukasyon sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,609 total views

 81,609 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,613 total views

 92,613 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,418 total views

 100,418 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,615 total views

 113,615 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,016 total views

 125,016 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,607 total views

 7,607 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top