CBCP, hiniling sa pamahalaan na ikonsedera deportation ni Sister Fox

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total views

Hiniling ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na ikonsedera ang desisyong ipa-deport ang 71-taong gulang na si Sister Patricia Fox dahil sa pakikisangkot sa partisan poltical activity sa bansa.

Ipinahayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles ang kalungkutan ng mga Obispo sa kanselasyon ng missionary visa ni Sister Pat.

CBCP statement

ON THE RECENT DEVELOPMENT:
SR. PATRICIA FOX, NDS IS ORDERED TO LEAVE THE COUNTRY

This is our second statement regarding the situation of Sr. Patricia Fox, NDS, a catholic nun working in the Philippines.

Last week, Sr. Patricia was taken into custody and detained and questioned by the Bureau of Immigration (BI). But later, she was released.

Today, we read in the national newspapers that the Bureau of Immigration has revoked the visa of Sr. Patricia, compelling her to leave the country within 30 days from receipt of the order. “She was found to have engaged in activities that are not allowed under the terms and conditions of her visa… We direct Fox to leave the Philippines within 30 days from receipt of this order.” (Philippine Star, page 2)

We are truly saddened by this turn of events.

The situation certainly involves legalities – the authorities have said that she has been found to have violated certain laws of our land. On the other hand, it is reported that her lawyer would first file a motion for reconsideration before the Bureau of Immigration to dispute the findings. (Philippine Star, page 2)

As in our previous statement, all the information that we have regarding this recent development is from the national newspapers. Our CBCP Secretariat is still trying to get more information from the community of Sr. Patricia Fox.

In this recent development, we sincerely make an appeal that the authorities may make a reconsideration of their order for Sr. Patricia Fox to leave the country.

Without entering into the merits of both parties in the case, this is for the proper authorities to decide. But this we say: We believe in the sincerity and dedication of Sr. Patricia to serve our people. We believe further that she is moved to serve our people by the love of Christ. “The love of Christ urges us.” (2 Cor. 5:14)

With a hope for a reconsideration regarding the BI’s order after giving Sr. Patricia a chance to explain herself again, in a spirit of dialogue, could she be given a chance to stay and continue serving our people?

We continue to pray for the Lord’s enlightenment for all those who are involved in this case, but in particular, we continue to pray for Sr. Patricia Fox – for her health and wellbeing.

From the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, 26 April 2018

+ ROMULO G. VALLES, D.D.
Archbishop of Davao
President, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

P.N. 006/2018

Malikhaing pagpapahayag ng ebanghelyo, apela ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

 386 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mas epektibo at malikhaing paraan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga lungsod na madalas nakararanas ng pag-iisa at pagkawala ng tunay na ugnayan ng tao sa kapwa.

Ito ang inilaang Prayer Intention ng Santo Papa para sa buwan ng Agosto, kung saan binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang pangangailangang makahanap ng mga bagong pamamaraan upang maipahayag ang Mabuting Balita at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya.

“Let us pray that in large cities often marked by anonymity and loneliness we find new ways to proclaim the Gospel, discovering creative paths to build community,” Ayon sa panalangin ni Pope Leo XIV.

Sa pagharap ng maraming lungsod sa mga hamon ng mabilis na urbanisasyon, pag-iisa, at pagkakawatak-watak ng mga komunidad, hinimok ng Santo Papa ang Simbahan na maging malikhain sa pag-abot sa mga taong nangangailangan ng pag-asa, pagmamahal, at malasakit.

Kaakibat ng panalanging ito ang panawagan sa mga Kristiyano na maging mga buhay na saksi ni Kristo sa kanilang mga tahanan, pamayanan, paaralan, at lugar ng trabaho upang higit na maranasan ng bawat isa ang diwa ng pagkakapatiran at pagkakaisa.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang Simbahan ay tinatawagan na maging mas malapit sa mga tao at maghanap ng mga bagong paraan upang maipahayag ang Ebanghelyo sa nagbabagong panahon.

Bahagi rin ng panawagan ni Pope Leo XIV ang pagpapaalala na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, pakikipagkapwa, at malikhaing misyon ng ebanghelisasyon, mas maraming tao ang makakaranas ng pagmamahal ng Diyos at magiging bahagi ng isang buhay na pamayanang Kristiyano.

Mamamayang may integridad,malasakit at pananagutan tunay na sukatan ng maunlad na bansa-CEAP

 436 total views

Iginiit ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ang tunay na sukatan ng pag-unlad ng bansa ay hindi lamang nakikita sa mga naitayong imprastraktura o paglago ng ekonomiya kundi sa paghubog ng mga mamamayang may integridad, malasakit, at pananagutan.

Sa pahayag na may titulong “Seeing Our Nation Anew” bilang tugon sa State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng CEAP na mahalagang tingnan ang kalagayan ng bansa batay sa kalidad ng mga institusyon at sa dignidad ng bawat mamamayan.

“The answer cannot rest on statistics alone. It is revealed in the moral quality of our institutions, the credibility of our public servants, the dignity afforded to the poor, the confidence of workers and families, and the hope entrusted to the young,” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Kinilala naman ng samahan ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagsusulong ng pananagutan sa mga proyektong pampubliko, pangangalaga sa mga Overseas Filipino Workers, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, paghahanda sa kalamidad, at pagprotekta sa mga Pilipino laban sa epekto ng krisis sa ekonomiya.

Gayunpaman, binigyang-diin ng CEAP na higit sa mga imprastraktura at tagumpay sa ekonomiya, ang pinakamahalagang maiiwan ng anumang administrasyon ay ang uri ng kulturang sibiko at pagpapahalagang naipapasa nito sa mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang samahan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Kongreso, mga institusyong pang-edukasyon, pamilya, at iba pang katuwang na organisasyon na bigyang prayoridad ang pagpapanumbalik ng kalidad ng pagkatuto, paggalang sa dignidad ng mga guro, at paghubog ng mga mamamayang may kritikal na pag-iisip, malasakit, at responsableng pamumuno.

“Every administration ultimately leaves behind more than roads, railways, or economic gains. It leaves a civic culture. It shapes what a people learn to admire, tolerate, or reject. We therefore hope that the same clarity of purpose brought to infrastructure, governance, and economic recovery finds equal expression in the work of education… The country’s greatest investment remains the Filipino people.” Dagdag pa ng CEAP.

Bilang mga tagapagtaguyod ng edukasyong Katoliko, sinabi ng CEAP na ang kinabukasan ng bansa ay nahuhubog sa bawat pagkakataong naituturo ang katotohanan, nagigising ang budhi, at natututuhan ng kabataan na ang pagmamahal sa bayan ay ipinakikita sa paglilingkod at sakripisyo.

“The future of our country is formed long before it is governed. It is formed wherever truth is taught without compromise, where conscience is awakened, where solidarity overcomes indifference, and where young people discover that love of country is measured by sacrifice rather than personal ambition,” Ayon pa sa CEAP.

Paalala ng Simbahang Katolika na ang edukasyon ay isang mahalagang misyon sa paghubog ng tao at ng lipunan sapagkat sa pamamagitan ng edukasyong humuhubog sa budhi at pananagutan, nagiging posible ang pagtatayo ng isang lipunang may katarungan, kapayapaan, at kabutihang panlahat.

PAX Silica project, hindi pa done deal-Malakanyang

 16,465 total views

Hindi isinara ng Malacañang ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago sa Pax Silica Project, kasunod ng panawagang ipahinto ito dahil sa pangamba sa suplay ng tubig, kuryente, at kakulangan umano ng konsultasyon sa mga lokal na komunidad.

Sa ginanap na press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang lahat ng isyung may kaugnayan sa proyekto.

“Actually, kaya nga po ito ay inihahainan ng ating pamahalaan patungkol sa Bak silica, dahil kung sino man po yung ibang mayroong issue, tungkol sa di umano magiging problema sa supply ng tubig, sa supply ng kuryente, lahat pong ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan,” ayon kay Castro.

Ipinaliwanag ni Castro na isinasaalang-alang ng gobyerno ang mga usapin sa suplay ng tubig at kuryente, kaya hindi pa pinal ang pagpapatupad ng proyekto.

Dagdag pa ng opisyal ng Malacañan, “May chance po na mabago ang iba mga provisions. Kung ano po yung maaaring mas maging magandang idulot sa ating mga kababayan, sa Pansang Pilipinas, and of course, sa mga partners, yun naman po ay isasaalang-alang.”

Una na ring binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kaniyang State of the Nation Address ang Pax Silica bilang bahagi ng Luzon Economic Corridor.

Ayon sa Pangulo, layunin ng Pax Silica na makahikayat ng mga mamumuhunan, makalikha ng de-kalidad na trabaho, at suportahan ang pag-unlad ng industriya ng artificial intelligence (AI) sa Pilipinas.

Ang Pax Silica ay isang pandaigdigang inisyatiba na sinasabing para sa seguridad ng ekonomiya na pinangungunahan ng Estados Unidos. Inilunsad ito noong Disyembre 2025 upang tiyakin ang matatag na suplay ng mga teknolohiyang mahalaga sa artificial intelligence (AI), semiconductors o microchips, at critical minerals na kailangan sa paggawa ng makabagong teknolohiya.

Noong Abril 2026, sumali ang Pilipinas sa koalisyon at nangakong maglaan ng 1,600 ektaryang lugar sa New Clark City bilang isang AI-native industrial acceleration zone o sentrong nakatuon sa pagpapabilis ng pag-unlad ng mga industriya at pamumuhunang may kaugnayan sa AI at iba pang makabagong teknolohiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa isang smartphone?

 82,022 total views

 82,022 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 121,325 total views

 121,325 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 154,935 total views

 154,935 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 270,276 total views

 270,276 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 294,383 total views

 294,383 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top