Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, magdaraos ng National Catholic Media Convention

SHARE THE TRUTH

 734 total views

Kinilala ni Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang kahalagahan ng ginagampanang tungkulin ng mga social communications ministries at church media.

Ayon kay Bishop Maralit – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communication, ito ay ang pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting balita ng Diyos higit ngayong panahon ng modernisasyon kasabay ng pagharap ng buong mundo sa COVID 19 pandemic .

“So ang malinaw na agad is how critical the role of those in media in social communications yung ang role ninyo is very critical, yun yung naging malinaw during this plenary and off course with that the challenge, ano yung challenge natin?, una is to work hand in hand together to fight for the truth yun naman ang dapat panghawakan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit.

Binigyang diin din ng Obispo ang pagkakaroon ng katangian katulad ng pagtutulungan, pagkakaisa, pakikinig sa mamamayan at mga social communication ministries ng bawat simbahan tungo sa nagkaiisang layunin.

Upang maitaguyod at mapagtibay ang katangian ay nakatakdang idaos ngayong taon ang National Catholic Media Convention (NCMC) na taunang pagtitipon ng mga social communications ministry at church media na natigil ang pisikal na pagdaraos sa loob ng dalawang taon bunsod ng pandemya.

“We’ll strategize on how we can all work together and hopefully all help each other so again malayo pa, matagal pa, mahaba pa at marami pa ang dapat nating gawin but is really part of our ministry so hopefully also find ways to really serve God through our ministry through the modern means od communication,” ayon pa sa panayam ng Obispo.

Bagamat wala pang petsa ay tiniyak ni Bishop Maralit ang pagsasagawa ng pagpupulong na tatalakay sa pagdaraos ng NCMC ngayong taon kung saan itatakda ang tampok na diyosesis na mangangasiwa sa pagtitipon.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat isa na gamitin ang social media sa makabuluhang mga pamamaraan upang mapalaganapa ang ebanghelyo gamit ang modernong teknolohiya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 182 total views

 182 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 18,740 total views

 18,740 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 36,433 total views

 36,433 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Lockdown

 41,212 total views

 41,212 total views Kapanalig, may trauma na tayong mga Pilipino sa salitang lockdown. Ayaw na nating maalala ito, ayaw na nating maranasan ang matinding sakripisyo at

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top