Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Kapanalig, isa sa mga pinagmamalaki ng kasalukuyang pamahalaan ay ang mga windmills sa Ilocos. Ang windmills kapanalig, ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng renewable at clean energy. Ang clean energy, kapanalig, ay enerhiya na nagmumula sa renewable sources. Hindi ito nagbibigay ng polusyon at emisyon, at tumutulong pa na maging efficient ang energy supply.

Kung tunay ang commitment ng pamahalaan na ito sa mga clean energy gaya ng mga windmills, sana mapatunayan natin ito sa pamamagitan ng pagsulong at pagtaguyod ng renewable at clean energy sa buong bansa.

Hanggang ngayon kasi kapanalig, ang enerhiya natin, mahal na nga, hindi pa renewable at clean. Ang 44.5% ng ating power supply mix ay mula sa coal, habang 7.1% naman ay mula sa langis. Pareho itong non-renewable kapanalig, at pareho itong mahal at mapanganib sa ating kalikasan. Mapanganib ito lalo sa kalusugan ng mamamayan.

Ang coal ay nag-bubuga ng sulfur dioxide at nitrogen oxide. Pino-pollute ng mga ito ang ating hangin at nagdadala ng mga respiratory illness sa mga mamamayan. Nagbubuga din ito ng mg particulates. Maliban sa pagdadala ng dumi sa hangin, maaari ring pumasok ang mga particulates sa baga ng tao at magdulot ng mga sakit gaya ng lung cancer. Bumubuga din ito ng carbon dioxide, na siya namang nagdudulot ng climate change.

Kaya’t sana, tunay na isulong ng pamahalaan ang clean energy at hindi maging lip service lamang. Kailangan ng ating bansa ang renewable at clean energy – sustainable ito, makatao, at maka-kalikasan. Maliban dito, ang ating dependence sa coal at oil para sa enerhiya ay malaking pasanin na sa mga tao. Patuloy na tumataas ang presyo nito, lalo na ang langis. At patuloy tayong nag-e-export nito, kaya’t hindi natin kontrolado ang presyo. Ang halaga ng kuryente sa ating bayan ay isa sa pinakamahal sa Southeast Asia dahil dito.

Ang pagsusulong ng mga renewable sources of energy ay pagsusulong din ng energy security sa ating bansa. Ang mga teknolohiya gaya ng solar power ay maaari nating pag-ibayuhin dahil malaki ang potensyal nito na makapag-suplay ng enerhiya kahit pa sa mga geographically isolated and disadvantaged areas.

Noong June 11, 2018, mismong si Pope Francis ang nanawagan para sa mas mabilis na transisyon tungo sa clean energy. Sa ating bansa, angkop ang panawagan na ito ngayon, lalo’t pa nakakasakal na ang presyo ng enerhiya sa bansa, numinipis pa ang suplay kapag peak hours, at pataas pa ng pataas ang demand. Liban dito, sinisira din ng traditional sources of energy ang ating kalikasan at kalusugan.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 926 total reads

 926 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,719 total reads

 22,719 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,280 total reads

 63,280 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,120 total reads

 90,120 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,385 total reads

 138,385 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,439 total reads

 159,439 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,720 total reads

 22,720 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,281 total reads

 63,281 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,121 total reads

 90,121 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top