CBCP, may paalala sa outbreak ng tigdas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

Nagpaalala si Father Dan Vicente Cancino, Jr, M.I. Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit at namamatay mula sa sakit na tigdas.

Apat na mahalagang paalala ang inilahad ng pari, upang maiwasang mahawa o makahawa ng kumakalat na sakit.

Una dito, sinabi ni Father Cancino na hindi dapat matakot pabakunahan ang mga bata o maging ang mga may edad na lalo na ng mga up-to-date vaccination. Tinukoy ng Pari ang pahayag ng mga eksperto na maaari na ring mabigyan ng bakuna ang mga sanggol kahit anim na buwan pa lamang dahil sa measle outbreak.

Pangalawang paalala ng pari, ay ugaliing maghugas ng kamay, at ituro din ito sa mga bata, dahil ang proper sanitation ay dagdag proteksyon sa kalusugan ng bawat isa.

Bukod dito, ipinaliwanag din ng Pari ang kampanya nitong UBOKABULARYO na nangangahulugang:

U– Umubo at Bumahing gamit ang panyo o tissue,
M– Magtakip ng ilong at bibig kapag may umubo o bumahing malapit sa iyo at
U – Ugaliing sa tamang lugar at paraan ang pagdura sa kalsada at sa lupa. Gumamit ng tissue o papel at itapon ito sa basurahan,
B – Bigyang halaga ang paghuhugas ng kamay na may sabon o handwash,
O – Okay lang na gamitin ang manggas o loob ng damit kapag walang panyo o tissue.

Huling payo ni Father Cancino na magpakonsulta sa doktor, sakaling makaranas ng mga sintomas ng tigdas, at manatili na lamang sa tahanan kung mayroon nang karamdaman.

“Ang episcopal Commission on health care po ay patuloy na magbibigay ng proper information about measles including yung necessity to vaccinate ang ating mga children primarily doon sa mga areas na may outbreak at this is done by our parish based healthcare workers sa ating mga diyosesis at ipagpapatuloy po natin ang ating pagdarasal sa mga pamilya at batang apektado ng sakit.” pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Sa huling ulat ng Department of Health noong ika-16 ng Pebrero, mahigit na sa 8,000 ang measles cases sa bansa simula noong unang araw ng Enero 2019.

Una na ring hinimok ni Archdiocese of Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa kanyang Pastoral Letter ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maiwasang magkaroon ng sakit na tigdas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 215,853 total reads

 215,853 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 250,526 total reads

 250,526 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 266,426 total reads

 266,426 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 302,916 total reads

 302,916 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 308,699 total reads

 308,699 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,590 total reads

 384,590 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top