Lider ng Simbahang Katolika, walang kinatatakutan!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na wala itong kinatatakutan sa kabila ng iba’t-ibang hamon na kinakaharap ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na sang-ayon ito sa sinabi ni Hesus na nasusulat sa Ebanghelyo ni San Marcos kabanata 5 talata 36 na “Huwag kang mabagabag, manalig ka!”

“I will always say and tell that I am a BISHOP. I am a Bishop of Balanga. I am the Bishop for the pastoral care of our migrants,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay bunsod na rin sa mga banta at hamon sa mga lingkod ng Simbahan dahil sa paninindigang ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga kawan na pinamamahalaan at itinalaga sa kanilang pagmimisyon.

Maituturing din itong pagsunod sa buhay ni Hesus na nakaranas ng pagpahirap, pagpapakasakit hanggang sa ibinuwis ang sariling buhay para sa kaligtasan ng sangkatuhan.

Magugunitang hayagan ang pagpuna ng mga lider ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon na nakalalabag sa karapatang pantao at nagpapakita ng kawalang paggalang sa dignidad ng buhay.

Tinukoy ng Obispo ang kampanya kontra droga ng pamahalaan na kumitil ng libu-libong katao na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na gawain na hindi dumaan sa wastong prosesong alinsunod sa batas.

Dahil dito, mismong ang pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagpahayag sa publiko sa pamamagitan ng mga talumpati na holdapin at patayin ang mga Obispo.

Nababahala ang mamamayan at mga lingkod ng Simbahan sa nasabing pahayag sapagkat lubhang mapanganib ito para sa seguridad hindi lamang sa mga Pari at Obispo kundi maging sa iba pang kritiko ng administrasyon.

Kaugnay dito iginiit ni Bishop Santos na bilang lingkod ng Simbahan nakahanda itong magsakripisyo para sa mga pastol na itinalaga sa kaniya.

“The good shepherd gives his life for the sheep (John 10:11).”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,464 total reads

 45,464 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,334 total reads

 95,334 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,205 total reads

 143,205 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,154 total reads

 247,154 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,952 total reads

 330,952 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top