CBCP, nagpapasalamat sa Archdiocese of Zamboanga at local na pamahalaan sa tagumpay ng NYD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total views

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)sa Archdiocese of Zamboanga at sa pamahalaang lungsod ng Zamboanga sa katatapos lamang na National Youth Day.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary CBCP-Episcopal Commission on Youth malaki ang naging ambag ng pamunuan ni Zamboanga City Mayor Isabel Climaco-Salazar para maging matagumpay ang pagdiriwang partikular na rito ang kaligtasan ng mga nagsidalong kabataan.

“Yun po ang irony of all irony. Inasahan mong mahihirap ang kalagayan ng security pero it turned out everything is well planned. Pagdating sa security ayos lahat wala namang kaming naengkwentro na anumang suliranin. Karaniwan yung mga check point kasi karamihan ay by land. But nonetheless very friendly and peaceful ang kanilang karanasan,” ayon kay Fr. Garganta.

Dagdag pa ng pari; “Yun nga yun isang naging balakid sa marami na magdalawang isip na magparticipate sa Zamboanga.”

Sa pinakahuling, tala 2,026 na kabataan mula sa iba’t ibang lugar ang dumalo bukod pa sa 184 na delegado ng Archdiocese ng Zamboanga na nagsilbi bilang mga facilator ng programa.

Una na ring inihayag ng Santo Papa Francisco ang pagsusulong ng vocational culture para sa mga kabataan para tumimo ang pakikiisa sa pangangalaga ng buhay at ang paglilingkod sa simbahan ng may kasiyahan.

Labing anim din ang kinatawan ng Prelatura ng Marawi na dumalo sa pagdiriwang sa kabila ng katatapos lamang na digmaan sa nasabing lungsod.

Pinatunayan din ng Zamboanga City ang kanilang kahandaan sa pagtanggap at pag-organisa ng malaking pagtitipon matapos na rin ang naganap na Zamboanga siege noong 2013 na umabot sa isang buwang kaguluhan.

Nanatili din umiiral ang batas militar sa Mindanao region kung saan nasasakop ang Zamboanga City dahil na rin sa digmaan noon sa Marawi City, inaasahang magtatapos ang batas militar sa katapusan ng Disyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 47,250 total views

 47,250 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 47,250 total views

 47,250 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 47,250 total views

 47,250 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,808 total views

 45,808 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 41,836 total views

 41,836 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top