27,450 total views
Nanawagan ang Clergy for Good Governance (CGG) na unahin muna ang katarungan at pananagutan sa katiwalian bago pag-usapan ang halalan.
Ayon sa grupo, hindi snap election ang solusyon sa krisis ng bansa kundi paggising ng budhi at pananagutan ng mga namumuno.
“The answer to corruption is not a snap election—it is a snap of conscience,” ayon sa pahayag ng mga pari.
Ayon sa CGG, bilang mga pari, batid nila ang tunay na kalagayan ng mga karaniwang Pilipino—ang inang kailangang mamili sa pagitan ng pagkain at gamot, ang amang nahihiyang hindi mapag-aral ang anak, at ang mga pamilyang napipilitang mangibang-bansa dahil sa kawalan ng pag-asa sa sariling bayan.
Hiniling ng grupo na managot ang lahat ng sangkot sa pandarambong, anuman ang kanilang katayuan sa gobyerno.
“Do justice first for our people. Let them face the law, stay behind bars, and be perpetually disqualified from office,” ayon pa sa pahayag.
Giit ng mga pari, bawat pisong ninakaw sa pondo ng bayanay may katumbas na buhay at paghihirap ng mga Pilipino.
“Every stolen peso has a face, a name, a soul crying out to God.”
Ipinalala rin ng grupo ng mga pari sa mga pinuno na pansamantala lang ang kapangyarihan, ngunit ang katarungan ay walang hanggan.
Ayon pa sa pahayag ng CGG, “We do this not to shame, but to save, to call them back before it is too late.”
Dagdag pa ng grup, hindi sila titigil sa pananalangin at panawagan laban sa katiwalian.
“We will pray, but we will not be silent. Repentance must be seen in reform, not rhetoric. Justice must rise before elections.”
Iginiit pa ng CGG na higit sa halalan, kailangan ng bansa ng katotohanan, katarungan, at pagbabago ng puso.
“The Philippines does not need a snap election. It needs truth, justice, and a conversion of hearts.”




