Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Charter Change, banta sa pagiging malayang bansa ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 3,623 total views

Banta sa pagiging malayang bansa ang Charter Change o Cha-Cha na gagamiting paraan sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Ito ang nakikita ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, sa patuloy na pagsusulong ng Kongreso sa mabilis na pag-amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Ikinababahala ng Laiko ang kawalang paggalang sa karapatang pantao, paniniil sa demokrasya at katarungan na maaaring sapitin ng bansa dahil sa pilit na pagpapalit sa konstitusyon.

Iginiit ng grupo na kitang-kita na mayroong ibang intensyon ang mga nasa katungkulan kung bakit nito minamadali ang pagpapalit ng saligang batas.

Dagdag pa ng Laiko, nakababahala rin na ipinipilit ng Kongreso ang Charter Change gayung hindi ito lubos na nauunawaan ng lahat ng mamamayan sa buong Pilipinas dahil batay sa ulat ng Pulse Asia survey ay 73 porsyento ng buong populasyon ng bansa ang walang alam sa naturang hakbang na isinusulong ng kongreso.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas perceives the current proposal for Charter Change as a threat to our democratic system and our aspirations as a free and progressive nation. As lay Catholics, we are disturbed by the aggressive stance of this administration to change a constitution that has not been thoroughly understood and studied by 73% of the population, according to a Pulse Asia survey.” pahayag ng Sangguniang Layko ng Pilipinas.

Bunsod nito, nanawagan si Julieta Wasan – Pangulo ng Sangguniang Layko, sa mamamayan na maging mapagmatyag at laging alamin ang katotohanan sa lahat ng mga inihahaing pagbabago ng mga mambabatas.

Iginiit ni Wasan na karapatan ng mamamayan na magkaroon ng tamang kaalaman patungkol sa mga isinusulong na pagbabago sa bansa lalo na sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Wasan na bukas ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa mga eksperto, mga mambabatas at constitutionalist upang pagtulungang pataasin ang kaalaman ng mamamayan kaugnay sa Konstitusyon ng Pilipinas at ang mga panganib na maaaring idulot sa mamamayan ng mga pagbabagong gagawin dito.

“It is our duty to let the people know what is happening, help them form their conscience, seek the truth and do what is right. We enjoin our government leaders, educators and civic society to take the lead in providing the much needed voters’ education first, so that the results of any plebiscite for this would truly reflect the sentiments of an informed and responsible citizenry.” Bahagi ng pahayag ng Sangguniang Layko ng Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 86,366 total views

 86,366 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 94,141 total views

 94,141 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 102,321 total views

 102,321 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 117,842 total views

 117,842 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 121,785 total views

 121,785 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,607 total views

 12,607 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,296 total views

 12,296 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 12,083 total views

 12,083 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,091 total views

 12,091 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,087 total views

 12,087 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top