Kapamilya ng mga biktima ng EJKs, natatakot sa relaunching ng Oplan Tokhang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total views

Takot ang muling namayani sa naiwang kapamilya ng mga biktima ng nakaraang Oplan Tokhang sa muling pagpapatupad nito araw ng Lunes, ika-29 ng Enero.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Gilbert Billena – spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights na nangangalaga at gumagabay sa mga kapamilya ng mga drug-related killings sa bansa.

Ayon sa Pari, malaking takot ang muling nadama ng kapamilya ng mga namatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ng malamang muling ipapatupad ng Philippine National Police ang naturang kampanya matapos ihinto noong Oktubre ng nakalipas na taon dahil sa pagiging marahas at madugo nito.

Paliwanag ng Pari, sa halip na ang mismong mga ugat ng pagkalat ng illegal na droga sa bansa ang sugpuin ay tanging ang mga mahihirap na drug-users, pushers at runners ang mga napatay sa kampanya na maituturing ring biktima lamang rin ng illegal na droga.

“Ito po yung paninindigan ng Rise Up kasama yung mga biktima mismo mga nanay, tatay at mga anak kung saan ang mga mahal nila sa buhay ay pinaslang. So malaking takot naman nila ngayon na malaman nila na irerelaunch uli ang Tokhang dahil batay sa ating karanasan kung saan talagang madugo ito, madugong kampanya laban sa droga na eventually naging kampanya laban sa mga biktima mismo nitong droga. So napakahirap para sa mga biktima kahit anong ipangalan nila sa kampanya, para sa mga biktima ay magiging madugo kung saan hindi lang hundreds kundi libo-libo ang napaslang nitong kampanya na ito…” pahayag ni Fr. Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Gayunpaman, nilinaw ng Pari na kaisa rin ng pamahalaan ang grupo sa pagnanais na mawakasan na ang talamak na kalakalan ng illegal na droga na isang malaking dagok sa lipunan at sa maraming pamilyang apektado nito ngunit dapat pahalagahan ang buhay ng tao sa kampanya.

Samantala, mariin din nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Philippine National Police (PNP) na hindi na dapat na muling maulit pa ang naging marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan marami ang mga namatay.

Apela ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles dapat na mahigpit na sundin ng mga Pulis ang Standard Operating Procedures at mga bagong guideline o panuntunan na itinakda para sa Oplan Tokhang upang matiyak ang kaayusan at tamang proseso ng batas sa paghimok sa mga may kaugnayan sa kalakalan ng ilegal na droga na sumuko sa mga otoridad.

Matatandaang batay sa pagtataya ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates o PAHRA umabot sa 13-libo ang drug-related killings na naganap sa bansa noong nakalipas na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 38,125 total views

 38,125 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 61,277 total views

 61,277 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 131,391 total views

 131,391 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 206,005 total views

 206,005 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 283,290 total views

 283,290 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 6,002 total views

 6,002 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top