Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Church group, kinondena ang pagpaslang sa peace advocate

SHARE THE TRUTH

 383 total views

August 15, 2020-11:50am

Kinondena ng Church People-Workers Solidarity ang patuloy na karahasan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Duterte.

Ayon kay Church People-Workers Solidarity chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza hindi katanggap-tanggap ang sinapit at pagkamatay ni Anakpawis Chairman Randall “Ka Randy” Echanis sa kamay mismo ng mga otoridad.

Pagbabahagi ng Obispo ito ay palatandaan ng kawalan ng pagpapahalaga sa dignidad at buhay na siyang sinapit ni Echanis na tumatayong Peace Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

“The killings are unstoppable in this regime a clear mark of shameless immorality this time state agents killed a peace advocate,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ibinahagi rin ni Bishop Alminaza ang kanyang pagsang-ayon sa isinusulong ni ‘Ka Randy’ na pagtutok sa pagkakaroon ng socio-economic reforms bilang solusyon sa kahirapan.

“I strongly agree with the wisdom of Ka Randy Echanis that the socio-economic reforms should address the economic problems of the people especially the marginalized sectors such as the farmers, the workers, the indigenous peoples and the urban poor.” Pagbabahagi pa ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, dapat na mabigyang katarungan ang sinapit ni Echanis gayundin ang pagpapatuloy sa mga nasimulan nitong pagsusulong sa karapatan ng mga maliliit na sektor ng lipunan gaya na lamang sa usapin ng lupang agraryo sa bansa.

Una na ring inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang Task Force on Extra-Judicial Killings na bumuo ng isang lupon na mangangasiwa sa imbestigasyon ng pagkakapaslang kay Echanis.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,778 total views

 72,778 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,553 total views

 80,553 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,733 total views

 88,733 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,331 total views

 104,331 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,274 total views

 108,274 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 6,463 total views

 6,463 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 11,422 total views

 11,422 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 11,422 total views

 11,422 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top