Apat na parokya ng San Roque, itinalaga bilang ‘churches of Intercession’ dahil sa pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

August 15, 2020-9:31am

Itinalaga ng Archdiocese of Manila bilang Archdiocesan Churches of Intercession ngayong may pandemya ang apat na parokya na nakatalaga sa ilalim ng patron na si San Roque.

Sa Circular 2020-24 na nilagdaan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, inihayag ng obispo ang pagsang-ayon sa petisyon ng mga Kura Paroko ng apat na parokya ng San Roque na matatagpuan sa Blumentritt, Pasay, Mandaluyong at Sampaloc sa rekomendasyon na rin ng Archdiocesan Liturgical Commission at ng Judicial Vicar ng Archdiocese of Manila.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, bagamat ang bawat parokya ay nagsisilbing tagapamagitan sa mga daing at panalangin sa Panginoon ng bawat mananampalataya ay pangungunahan naman ng mga parokya ng San Roque ang pangangasiwa sa mga pang-debosyon at pang-liturhiyang gawain na naaangkop para sa mga may sakit, frontliners at naghihirap dahil sa COVID-19 pandemic sa arkidiyosesis.

“While all parishes are churches of intercession, these parishes under the patronage of San Roque will take the lead in organizing devotional and liturgical activities as well as other appropriate programs that will serve the sick, the front liners and the poor during this time of pandemic in the Archdiocese of Manila,” bahagi ng nilagdaang circular.

Ang mga itinalagang Archdiocesan Churches of Intercession ay ang mga parokya ng San Roque na pinangangasiwaan nina Fathers Antonio B. Navarete, Jr.; Paschal Gorgonia, Aries Reyes at Leo Nilo Mangussad.

Si San Roque ang kilalang pintakasi laban sa salot, peste at nakahahawang sakit na inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman.

Sa mga bayang nadadaanan ni San Roque sa kanyang paglalakbay patungong Roma ay mayroong salot na pumupuksa sa mga tao, kaya’t siya’y nanggagamot sa pamamagitan ng paglalagay ng krus sa mga may-sakit at sila’y gumagaling.

Sa Roma, nagkaroon din ng pagkakataon si San Roque na makahalik sa mga paa ng papa Benedicto XI, gayunpman sa bayan ng Placencia ay nahawaan ito ng sakit at ipinatapon sa gubat.

Sa kanyang pag-iisa ay isang aso ang nagdadala ng tinapay kay San Roque hanggang sa kanyang paggaling.

Ang Kapistahan ni San Roque ay ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing ika-16 ng Agosto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,927 total reads

 13,927 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,518 total reads

 95,518 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,967 total reads

 128,967 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,266 total reads

 164,266 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,333 total reads

 390,333 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top