1,364 total reads
Namahagi ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng 1,000 relief packs sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Maymay at habagat bilang konkretong tugon sa kanilang pangangailangan.
Isinagawa ang relief operation sa ilalim ng CMSP Cares noong August 14, 2026, sa pakikipagtulungan ng mga mission partners at religious communities na nagkaisa upang maghatid ng agarang tulong sa mga nasalanta.
Ayon sa CMSP, ang pagkilos ay isang konkretong pagpapakita ng “compassion, solidarity, and hope” sa gitna ng paghihirap ng mga pamilya.
“This mission of mercy became possible through the generous collaboration of our Mission Partners and Communities, who joined hands in bringing immediate assistance to those most in need. As one family in faith, we continue to respond to the call of Christ by serving our brothers and sisters with love, especially in times of crisis. We extend our heartfelt gratitude to everyone who shared their time, resources, and hearts in making this relief operation possible.
Together, we become instruments of God’s compassion.” Pagbabahagi ng CMSP.
Nagpaabot naman ang CMSP ng pasasalamat sa lahat ng naglaan ng oras, resources at suporta upang maisagawa ang relief operation, na anila ay naging daan upang maging instrumento ng Panginoon sa kanyang habag, awa, at pag-ibig sa mga nangangailangan.
Hinimok din ng CMSP ang mga religious congregations, mission partners at mga indibidwal na nais tumulong na makiisa sa CMSP Cares sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon para sa mga apektado ng Maymay at Habagat.
“To our Religious Congregations, Mission Partners, and generous individuals who wish to extend their support to the victims of Typhoon Maymay and Habagat, you may send your donations through CMSP Cares. For donation details and coordination, kindly message us through our official Facebook Page or contact the CMSP Secretariat. Every act of generosity brings hope. Together, let us continue to be prophetic witnesses of compassion and solidarity.” Dagdag pa ng CMSP.
Ayon sa CMSP, patuloy nitong isasabuhay ang panawagan ng Simbahan na maging saksi ng malasakit, pagkakaisa at pag-asa, lalo na sa panahon ng kalamidad.




