Gastos sa non-technical losses sa kuryente, hindi dapat ipasa sa consumers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,405 total reads

Nanindigan si dating Bayan Muna Party-list Representative at POWER Convenor Teddy Casiño na hindi dapat ipasa sa mga konsyumer ang gastos mula sa non-technical systems loss sa kuryente.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Casiño na ang systems loss ay tumutukoy sa kuryenteng nawawala habang ipinapadala ito mula sa planta hanggang sa mga tahanan na nahahati sa technical loss, na dulot ng mismong operasyon ng electrical system, at non-technical loss, na maaaring sanhi ng pagnanakaw ng kuryente, sirang metro o illegal connections.

Para kay Casiño, dapat balikatin ng mga distributor ang non-technical losses dahil bahagi ito ng kanilang responsibilidad na bantayan ang kuryenteng kanilang ibinebenta.
“Matagal na nating sinasabi na at the minimum, ‘yung non-technical systems loss o ‘yung non-technical, dapat ‘yan sagot na ng mga distributors ‘yan. Kasi pananagutan nila ‘yan kung hindi nila nababantayan ‘yung, right, ‘yung pagnanakaw ng kanilang produkto na ibinebenta.” Bahagi ng pahayag ni Casiño sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Casiño ng masusing pagsusuri sa paraan ng pagkukuwenta ng systems loss upang matiyak na tama at lehitimo ang mga ipinapasa sa consumers.
“Kailangan nating busisiin ’yan, kasi baka naman may mga bagay na nilalagay nila as systems loss pero hindi naman talaga dapat kategorya ng systems loss ito.” Dagdag pa ni Casiño.

Ayon kay Casiño, kung patuloy na sasagutin ng consumers ang losses, maaaring mawalan ng insentibo ang mga power company na pagbutihin ang kanilang operasyon at maiwasan ang inefficiencies.
“Kung sasagutin lang palagi ’yan ng consumers, eh magiging parang incentive pa man na maging inefficient ang mga power companies.” Ayon pa kay Casiño

Iginiit din ni Casiño na mahalagang balikan ang polisiya sa systems loss upang matiyak na makatarungan ang singil sa kuryente at hindi basta-basta naipapasa sa mga konsyumer ang pananagutan ng mga power distributor.

Sa pananaw ng Simbahan, ang usapin ng patas na singil at pananagutan sa paggamit ng pangunahing serbisyo ay nakaugnay sa kabutihang panlahat at dignidad ng bawat pamilya, lalo na ng mga mahihirap na higit na naaapektuhan ng mataas na gastusin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 24,169 total reads

 24,169 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 109,575 total reads

 109,575 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 173,417 total reads

 173,417 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 260,818 total reads

 260,818 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 342,658 total reads

 342,658 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top