CEAP, nagpaabot ng pakikiramay sa malagim na shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,502 total reads

Nagpaabot ng pakikiisa at pakikiramay ang Catholic Education of the Philippines sa malagim na pamamaril ng isang estudyante sa Ateneo de Zamboanga University.

Ipinahayag ng CEAP ang pakikiramay sa mga apektadong estudyante, pamilya ng mga biktima, mga guro at buong komunidad ng paaralan na dumaranas ngayon ng pagluluksa at pagkabigla sa pangyayari.

“CEAP expresses its deepest sorrow over the tragic shooting incident at Ateneo de Zamboanga University”, pahayag ng CEAP sa pamamagitan ng Radyo Veritas

Kasabay nito, nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa publiko na pairalin ang pag-iingat at malasakit kasunod ng malagim na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Hinimok ng CEAP ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng haka-haka, fake news at maging mapanuri sa pagbabahagi ng komento at sentimiyento hinggil sa trahedya.

Hiniling din Institutsyon huwag nang ipakalat ang mga larawan o detalye na maaaring higit pang makapagdulot ng sakit sa mga biktima at kanilang pamilya.

At this painful moment, we ask everyone to respond with sensitivity, compassion, and restraint, remembering that behind every report, photograph, or social media post are students, families, teachers, and a community experiencing profound grief and shock. We urge the public to refrain from speculation, unverified information, sensationalized commentary, and the unnecessary sharing of images or details that may further wound those affected,” ayon sa mensahe ng CEAP na pinadala sa Radyo Veritas

Binigyang-diin ng CEAP na dapat pangalagaan ang dignidad at pribadong buhay ng mga biktima habang binibigyan ng sapat na panahon ang mga awtoridad at pamunuan ng paaralan na alamin ang buong katotohanan at tumugon sa insidente.

Umaasa ang CEAP na magsisilbing panawagan ang trahedya para higit pang mapakas ang pangangalaga sa kaligtasan, kapakanan at seguridad sa mga paaralan, kung saan pananagutan ng buong komunidad ang pagprotekta sa bawat bata at miyembro ng paaralan at pagtataguyod ng kapayapaan.

“Let our words and actions protect the dignity and privacy of the victims and their families, while allowing authorities and the school community the space to establish the facts and respond appropriately. May this tragedy awaken in all of us a deeper commitment to making every school a place of safety, care, vigilance, and peace, where the protection of every child and every member of the school community remains a shared moral responsibility,” bahagi pa ng mensahe ng CEAP.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa pamamaril kasabay ng apela ng kahinahunan at maayos na pakikiisa sa mga Pilipino at mga biktima o iba pang may kaugnayan sa trahedya.

Sa inisyal na ulat, 2 ang nasawi at Siyam ang nasugatan sa shooting incident sa ADZU.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 12,859 total reads

 12,859 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 36,834 total reads

 36,834 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 117,488 total reads

 117,488 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 219,216 total reads

 219,216 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 255,433 total reads

 255,433 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top