Materyal na yaman, gamitin sa pagkalinga sa mahihirap, panawagan ng Papal Nuncio sa PMS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,477 total reads

Hinimok ni Papal Nuncio Archbishop Charles Brown ang mga katuwang ng Pontifical Mission Societies (PMS) sa Pilipinas na gamitin ang kanilang mga materyal na yaman bilang instrumento ng pagkalinga sa mahihirap at ng pagpapalawak ng misyon ng Simbahan.

Sa kanyang homiliya sa opening mass ng 70th National Assembly of Diocesan Mission Directors ng Pontifical Mission Societies of the Philippines sa Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration sa Palo, Leyte, binigyang-diin ng nuncio na ang tunay na halaga ng kayamanan ay nasusukat sa paraan ng paggamit nito para sa kapwa at sa misyon ng Simbahan.

Ayon kay Archbishop Brown, ang materyal na kayamanan ay kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa tao upang gamitin nang wasto, partikular sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Our material wealth ultimately comes from God, and that we are stewards of what He has given us,” ayon kay Archbishop Brown.

Paalala ng arsobispo na ito ang diwa ng paglilingkod ng Pontifical Mission Societies, na nangangalap ng suporta para tulungan ang mga dukha sa lipunan gayundin ang mga maliliit na komunidad ng mga kristiyano.

“They collect funds from all of us who have enough to live on and transfer that to help the poor in the Church—missionaries, poor parishes, building churches, feeding the poor, educating seminarians, and assisting in impoverished areas,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin ng nuncio na ang pagtulong sa PMS ay konkretong pagsasabuhay ng aral ni Hesus sa Ebanghelyo tungkol sa mayamang binata na hinamong ipagbili ang kanyang ari-arian at ipamahagi sa mga dukha at sumunod sa Panginoon.

Ayon kay Archbishop Brown, maaaring maging hadlang ang materyal na kayamanan sa tunay na pagsunod kay Kristo kapag ito ang higit na pinahahalagahan kaysa sa Diyos.

“This young man was materially rich but spiritually so poor. He was unable to find the pearl of great price—the treasure which is Jesus—because he was blocked by his wealth,” pagninilay ng nuncio.

Hinimok ng kinatawan ng Santo Papa ang mga mananampalataya na gamitin ang kanilang yaman upang makatulong sa mga mahihirap at maging bahagi ng gawaing misyonero ng Simbahan.

“All of this tells us that we need to take care of the poor now. We need to use our worldly wealth in the proper way to make friends for ourselves who will welcome us into the heavenly dwellings,” giit ni Archbishop Brown.

Ayon sa arsobispo, sa pamamagitan ng kanilang mga kontribusyon sa Pontifical Mission Societies, nakikibahagi ang mga mananampalataya sa pagtatayo ng mga simbahan, pagpapakain sa mga mahihirap, pagtuturo at paghubog sa mga seminarista, at pagsuporta sa mga misyonero at mga parokya na nangangailangan.

Pinuri ng nuncio ang mga diocesan mission directors, animators, at iba pang katuwang ng PMS sa Pilipinas dahil sa patuloy nilang pagsusulong ng gawaing misyonero.

Ayon sa kanya, mahalaga ang 70th National Assembly sapagkat pinagtibay nito ang sama-samang pagkilos ng Simbahan sa Pilipinas upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga tinaguriang younger churches lalo na sa mga pamayanang bago pa lamang yumayakap sa Kristiyanismo o nananatiling dukha at nangangailangan ng suporta.

Sa pagsisimula ng pagtitipon ng PMS, hinimok ng nuncio ang mga kalahok na patuloy na gawing konkretong pagpapahayag ng pananampalataya ang kanilang paglilingkod sa mga mahihirap at sa mga misyon ng Simbahan.

Ang 70th National Assembly of Diocesan Mission Directors ay nagsisilbing pagtitipon ng mga katuwang ng Pontifical Mission Societies sa Pilipinas upang palakasin ang kamalayan, panalangin at suporta para sa gawaing misyonero ng Simbahang Katolika.

Tema sa pagtitipon ngayong taon ang “One in Christ, United in Mission,” kung saan ipinagdiriwang ang ika-100 anibersaryo ng World Mission Sunday na isasagawa sa October 18, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,348 total reads

 76,348 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,199 total reads

 171,199 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,467 total reads

 215,467 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,576 total reads

 238,576 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,276 total reads

 310,276 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top