Kaligtasan ng mga estudyante, tiniyak ng Ateneo de Zamboanga University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,871 total reads

Tiniyak ng Ateneo de Zamboanga University (ADZU) na pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan ng mga estudyante kasunod ng pamamaril sa Junior High School campus nito ngayong Martes, August 18.

Sa inilabas na pahayag ng unibersidad, sinabi nitong agad itong nakipag-ugnayan sa mga magulang at guardian upang maayos na makauwi ang mga estudyante, habang tiniyak naman ang kaligtasan ng mga nananatili sa loob ng campus.

“The safety of our students is our top priority,” ayon sa Ateneo De Zamboanga University.

Ayon sa ADZU, patuloy ang koordinasyon nito sa mga awtoridad para sa kumpletong ulat at iba pang detalye hinggil sa insidente.

Kinumpirma ng pamunuan na dalawa na ang nasawi at siyam ang sugatan, ngunit hindi pa nito inilalabas ang iba pang detalye habang isinasagawa ang koordinasyon sa mga awtoridad.

Kasabay nito, naglatag ang unibersidad ng mga opisyal na communication channel upang maihatid sa publiko ang mga beripikado at napapanahong impormasyon.

Hiniling ng unibersidad sa publiko na igalang ang privacy ng mga biktima, ng kanilang mga pamilya, at ng lahat ng naapektuhan ng insidente.

Nanawagan naman ang pamunuan ng unibersidad para sa mabilis na paglutas sa sitwasyon at sa kaligtasan ng lahat.

“We pray for the quick resolution of the situation and for the safety of all,” anila.

Pinaigting naman ng awtoridad at lokal na pamahalaan sa lugar ang seguridad ng institusyon kasunod ng insidente, habang nagpapatuloy ang puspusang imbestigasyon.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 47,790 total reads

 47,790 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 47,100 total reads

 47,100 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 81,116 total reads

 81,116 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 182,941 total reads

 182,941 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 223,500 total reads

 223,500 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 242,154 total reads

 242,154 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top