Ipinamalas ng Coast Guard Ecumenical Chaplain Service (CGECS) ang mas pinaigting na pagkakaisa at panibagong paninindigan sa kanilang misyon para sa bansa sa isinagawang taunang New Year’s Call sa Our Lady of Good Voyage Chapel.
Bahagi ng programa ang pormal na pagkilala sa mga opisyal at tauhan kay Commanding Officer Captain Fr. Alicman Borowa—isang simbolo hindi lamang ng tradisyon kundi ng malinaw na paghahanay ng mga layunin, direksyon, at magkakasamang pagkilos ng organisasyon para sa bagong taon.
“The gathering served as an opportunity to reflect on the milestones and accomplishments of the past year while casting a clear vision for the future. It recognized the steadfast dedication of CGECS personnel across districts and underscored the importance of teamwork, cooperation, and shared accountability in fulfilling the mission of the Service,” ayon sa mensahe ng CGECS.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Captain Fr. Francis Ariel Sualog, Deputy Commander CDR Fr. Emman Avila, Chief of Staff, at Master Chief Petty Officer Fr. Jaworski Bago, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang distrito—patunay ng malawak na suporta at pagkakaisa sa loob ng Chaplain Service.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Fr. Borowa sa dedikasyon at pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng CGECS, at binigyang-diin na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng natatapos na gawain kundi sa integridad, katapatan, at malasakit sa pagtupad ng tungkulin.
Matapos ang New Year’s Call, nagsagawa rin ng komprehensibong Command Conference upang talakayin ang mahahalagang usaping pang-organisasyon at mga pangunahing hamon.
Ayon pa sa pahayag, “The conference encouraged open communication, constructive dialogue, and collaborative solutions, further strengthening unity and alignment within the command as CGECS advances with renewed purpose.”






